Chapter 1

979K 28.7K 26.2K
                                    

"SAAN PO TAYO PUPUNTA?"


Pumaling ang aking ulo sa labis na pagtataka. Sa buong buhay ko ay hindi pa kasi ako lumabas sa kuwarto na ito kaya naman hindi ako makapaniwala na hinihila ako ni Lola Peach papunta sa pinto.


Maganda naman ang kuwarto ko. Makulay ang mga pader, ang kutson ko ay malambot at marami akong iba't ibang mababangong sabon sa banyo. Kaya lang ay hindi ko makita ang labas dahil sobrang taas ng bintana. Pero masaya naman dahil palagi kong kasama si Lola Peach. Palagi akong kinakantahan ng matanda. 


"E di sa labas. Ito ang pinakamaswerteng araw mo, hija, dahil pwede ka nang lumabas rito. Gusto kang makita ni Ser Lander kaya ka nya pinapalaya."


Napapalakpak ako. "Yey! Talaga po?!"


Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang makatapak sa lupa. Wala kasing lupa rito sa kuwarto ko.


Napanganga ako nang makita ang malawak na lugar. Kumikinang ang makinis na sahig at ang mataas na kisame ay kasing taas ng kisame ng aking kuwarto. Ang kaibahan lang sa kisame rito ay malaki at kumikinang ang ilaw na nasa itaas nito. Nasisilaw ako!


Nang sikapin kong imulat ang aking mga mata ay lumitaw mula sa liwanag ang isang lalaki. Mas mataas pa siya sa akin at higit na malaki ang pangangatawan. Para siyang anghel na nasa kwento sa akin ni Lola Peach. Umiilaw siya ganoon din ang asul niyang mga mata.


Kilala ko ang lalaking ito. Ito iyong lalaking nagpakita sa akin ng wirdong santol!


"What the hell is happening to her?" sabi nito.


Bumulong ako kay Lola. "Ano raw sabi?"


"Ano raw nangyari at mukha kang impyerno?" pagkasabi sa akin ay bumaling sya sa lalaki. "Nasisilaw lang sya, Ser."


"Take her to my room for lunch." Tinalikuran na kami nito at naglakad palayo sa amin.


"Ano raw po?"


"Dalhin daw kita sa kwarto nya at kakainin ka nya."


Sumunod ako kay Lola Peach.


Hindi rin nagtagal ay unti-unti ko ng nakakasanayan ang nakakasilaw na liwanag. 


Saka ko lang natuklasan na hindi pa rin ako nakatapak sa lupa. Hindi rin ito bato kundi kumikinang na sahig. Namangha ako na makita ko ang aking repleksyon dito.


Pumasok kami sa isang pintong salamin. Sa loob niyon ay naroon ang lalaking may santol at matigas ang dibdib. Nakaupo sya sa kulay salagubang na mesa at nakalatag doon ang mga kakaibang pagkain. Pamilyar ako sa kanin pero hindi ko alam iyong bote na katabi nito. Ang madalas lang kasi sa aking ipakain ay carrots at mais. Bihira lang ako makakain ng santol kapag kasama ko si Lola Peach.


Umarko ang kilay niyong lalaki na may bughaw na mga mata. "Have a seat, Jack."


His Indecent Proposal: Lander MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon