Chapter 18

626K 21.4K 5.1K
                                    


NAKAKAPANIBAGO ang mansyon na ito. Parang lalong lumawak. Dati rati kasi ay may mga tauhan si Just Lander na nagkalat sa paligid. Sa bawat sulok ay naroon nakatayo ang mga nakaitim na lalaki.


Bakit kaya ngayon ay wala na? Kahit saan ako tumingin ay hindi ko na sila makita. Ano kayang nangyari? Nasaan na kaya sila? At maski si Just Lander, hindi ko na rin masyadong nakikita. 


Sa paglalakad ko ay napadpad ako sa saradong kuwarto niya. Gusto ko sanang kumatok kaya lang ay natatakot ako. Baka kasi lalo syang nagalit sa akin dahil akala ko ay buntis ako.


Akala ko kasi ay mabubuntis na ang isang babae kapag nakadyot. Malay ko ba? Sabi kasi ni lola Peach ay ganun daw.


Paano ko kaya ibibigay sa kanya iyong regalo ko. Iyong boxer shorts na ginagantsilyo ko na mahigit pitong gabi ko nang niyari.


Kamuntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Just Lander. Basa ang kanyang buhok na para bang kaliligo lang. Nakasuot sya ng kulay gatas na damit na ang manggas ay hanggang pulso. Hapit ang kanyang maong na pantalon kaya bakat ang kanyang santol. Ang sapin nya sa paa ay patulis na sapatos.


Ang bango-bango niya. Ang sarap singhutin.


Napalunok ako at hindi malaman kung aalis ba o hindi. Nang makita ko siya ay tila may kung anong biglang naghahabulan sa aking sikmura. Sinikap kong magsalita. "Ah Just Lander, galit ka ba?"


Hindi niya ako sinagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at dahil dito ay napakalakas ng kabog ng dibdib ko.


Nagulat ako nang bigla niyang hulihin ang aking pulso. "Halika."


"Ha?" Nagpatianod na lang ako sa kanya dahil hindi naman siya sumagot.


Hinila niya ako papunta sa ibaba ng mansiyon. Lumabas kami at pumunta sa kung saan naroon nakaparada ang kanyang mga kotse. Pumili siya ng isa sa mga iyon at pagkatapos ay may kumuha siya ng susi mula sa pader. Nakasunod pa rin ako sa kanya nang balikan namin ang kotseng napili niya. Pinatunog niya iyon gamit ang susi. "Sakay," utos niya sa akin nang buksan niya ang kanang pinto sa unahan ng kotse.


"S-saan tayo pupunta?"


"Wala kang karapatang matanong. Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa."


Napapalakpak ako. "Ay, oo nga pala. Sige sakay na ko."


Pagkaupo ko ay umikot siya sa kabila. Naupo siya sa kaharap ng manibela. Binuhay niya ang makina at pinaandar ito. Wala siyang imik habang nagmamaneho.


Gusto ko siya tanungin kung galit pa ba siya at gusto ko sanang alamin kung saan kami pupunta kaya lang ay nakasimangot siya. Ni hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin. Sa buong pagmamaneho ay sa daan lang talaga nakatutok ang kanyang mga mata. Nakakahiya siyang istorbohin dahil seryosong-seryoso siya.


Sobrang tagal ng biyahe namin na halos mamanhid na ang pwet ko sa pagkakaupo. Sobrang tagal na tila napakalayo na ng aming narating. Hindi ako gaanong nainip dahil sa sinikap kong libangin ang aking sarili sa mga dinaraanan naming tanawin. Naging abala ako sa pagkamangha sa mga bagong bagay na ngayon ko lamang nakita. Alam ko na ang mga gusali dahil may nadala na ako noon ni Patrick Only sa mall at may nakita ko na rin ang mga iyon sa mga babasahin sa mansiyon, pero kakaiba ang mga nakikita ko ngayon. Mas mararaming gusali ang naririto. Iba-iba ang itsura, laki at kulay. Marami ring malalaking larawan na nakalutang sa ere. May mga sementadong daan din na nasa itaas at may mga sasakyan na dumaraan doon. Nasaan na nga kaya kami?

His Indecent Proposal: Lander MontenegroWhere stories live. Discover now