Chapter 13

646K 17.4K 6.1K
                                    


PAANO ko papakasalan ang isang babaeng comatose?


I'll be obvious if I push through the wedding. Kahit sino ay madidiskubre ang hidden agenda ko at kasiraan iyon sa parte ko at kasalanan lahat ito ni Aviona Camille. She ruined everything!


I can't believe na magagawa nya ang bagay na iyon. She tried to kill her! Sinagasaan nya si Apple— intentionally! How I wanted to crash her now with my bare hands!


Dahil sa nangyari ay malalagay na talaga sa alanganin ang lahat. Sooner or later ay isa-isa ng mawawala ang mga planta ko.


May chance pa naman, iyon ay kung magigising agad si Apple. But when? Kapag bagsak na ang black business ko?


Ibinalibag ko ang bote ng wine sa pader. Tinungo ko ang hagdanan papunta sa basement ng mansion.


I went downstairs until I reached the metal door. Sa loob niyon ay nakatayo si Aviona Camille Montemayor— the stubborn bitch who destroyed my plan.


Nagliwanag ang kanyang mukha nang makita nya ako. Tigmak ng luha ang kanyang mga mata. "Just Lander..."


Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang ayos niya. Her body were chained into the walls and her features were so delicate. 


"J-Just Lander, Sori – "


I walked toward her to hush her lips with my index finger. "Ayokong marinig ang boses mo." I hissed.


Umalon ang kanyang lalamunan matapos mapahikbi.


Ano ang magagawa ng mga hikbi at luha niya? Unti-unti nang nauubos ang lahat sa akin. Nauubos na ang mga pinaghirapan ko. The business that I had been working all my life. How could I survive if I lost it?!


Last week kasi ay na-raid na rin ng pesteng Saavedra Phoenixes ang isa sa mga pinakamalaking planta ko ng cocaine. And maybe before the end of the year ay posible ring ma-raid ang iba pa at nangangahulugan iyon ng pagkawala ng mga kliyente ko.


Napasuntok ako sa pader. Sa kabila kasi ng mga problema ko ay may nagtatalo sa akin. Aviona's fucking tears! Bakit sa tuwing makikita ko ang mga luha niya ay parang may sumasakit na kung ano sa loob ng dibdib ko?


I shook my head. I think it was just my imagination. Nasobrahan siguro ako sa pagtuturok ng gamot sa katawan ko. Hindi pa ipinapanganak ang babaeng makakapagpabago sa akin. Although I must admit na minsang binago ni Aviona ang sistema ko pero hindi pa rin iyon sapat at hindi dapat.


I am Lander Montenegro and my heart is hard and cold as ice. Hindi ko na mabilang sa aking daliri ang mga buhay na nilaro at sinira ko.


Walang lugar sa akin ang konsensiya. Walang mas importante sa akin kundi ang manatiling matayog at makapangyarihan.


And Aviona Camille is just a tool for me. Darating ang oras na kakailanganin ko siyang ilabas para paluhurin ang mga kalaban ko. Pero sa ngayon, kailangan ko muna siyang parusahan sa perwisyong nagawa niya sa negosyo ko.


...


PANGALAWANG ARAW. Napaangat ako ng mukha nang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang ilang mga babae. Nakasuot ang mga ito ng itim. Daling lumapit ang mga ito sa akin. Kinalagan nila ako at halos pakaladkad na dinala sa banyo.


Pinaliguan nila ako sa banyo, binihisan, tinuyo ang buhok ko. Sumunod ay dinala nila ako sa isang hapag na may maraming pagkain. Doon ay pinakain nila ako. Pagakakain ko ay may isang babae na tumingin sa akin, doktor daw ito. Pagkatapos ng lahat ay ibinalik na nila ulit ako sa basement.


Hindi pa nagtatagal ay bumukas ulit ang pinto ng basement.


Humubog mula sa ilaw ang imahe ng isang matangkad na lalaki.


Si Just Lander!


Itim na pantalon, itim na polo at ang maamo niyang mukha bagaman malamig na kulay kalangitang mga mata. Bumuka ang mapulang mga labi niya. "Wala kang kaalam-alam kung gaano kalaking gulo ang nilikha mo."


Napayuko ako. Alam ko na karapat-dapat ako sa parusang ito, nakagawa ako ng isang masamang bagay. Tinangka kong pumatay.


Muntik ko nang mapatay si Apple na mapapangasawa niya. Alam ko na mali ang ginawa ko, dahil sa ayaw ko na mapunta siya sa iba, gumawa ako ng masama. Nagsisisi na ako. Nangangako ako na hindi na rin iinom ng alak para hindi na gumulo ang isip ko.


Nang tingalain ko si Just Lander ay malamig ang mga titig niya sa akin. Sinalubong ko ang kulay kulay kalangitan niyang mga mata.


Napapikit sya at kumuyom ang kanyang palad. "Nahihirapan ka na ba?"


Nilunok ko ng aking laway upang kahit papaano ay makapagsalita ako. "K-kapag ba naghirap pa ako... m-mapapatawad mo na ako?.."


Umigting ang kanyang panga at nag-iwas sya ng tingin sa akin. Hindi sya sumagot.


"J-Just Lander... patawad..."


Bumuga sya ng hangin. "Sige papipiliin kita." Tumayo sya at tinalikuran ako. "Bubuhayin kita pero mararanasan mo ang parusa ko o," bahagya syang natigilan. "Papatayin na kita para matapos na ang paghihirap mo?"


Humugot ako ng paghinga para magkaroon ako ng lakas kahit papaano. "K-kapag ba namatay ako... hindi na kita makikita?"


Matagal sya bago sumagot. "Oo."


Pumatak ang luha. "K-kung ganun... buhayin mo na lang ako..."


Hindi sya umimik.


"K-kung mamamatay pala ako... hindi na kita makikita... hindi ko gusto iyon. P-pero kung mabubuhay ako... at paparusahan mo... 'tapos maghihirap ako... b-baka sakaling mapatawad mo pa ako..."


Matagal na naman sya tumahamik bago sumagot. "Iyan ba talaga ang gusto mo?"


"O-oo..."


Hindi na sya nagsalita pa. Naglakad na sya palabas ng kuwarto. 


Napaluhod na lang ako nang magsara muli ang pinto. Hila ko ang mga kadena hanggang sa malamig na sahig na kinasasadlakan ko.


Nahihirapan na ako. Pero ayaw kong mamatay kasi hindi ko na siya makikita. Kaya pinili ko na lang mabuhay kahit alam kong mas mahihirapan pa ako dahil sa parusa niya.


JAMILLEFUMAH

@JFstories

His Indecent Proposal: Lander MontenegroWhere stories live. Discover now