The Final Chapter

686K 20.3K 2.4K
                                    



I PINCHED his left cheek. "Kapag sinabi kong 'wag malikot, 'wag malikot, huh? You listen to me. I'm the boss now."


"How mature."


I just laughed at him. Kakasabi ko lang na marami ng nagbago sa akin, na nag-mature na ako sa loob ng ilang taon. Ngunit heto at para akong bata na nagta-tantrums sa kanya, kaya naman pinagbigyan niya na rin ako.


Kakatapos lang namin ng pangatlong lovemaking namin ngayong gabi. Walang kapaguran mula kahapon. Pilit na binabawi ang mga oras na nawala. Hindi ko alam kung saan galing ang lakas naming dalawa.


Natawa ulit ako. Nasa kuwarto kami, pinagpa-practisan ko lang naman ang mukha niya. Isa sa mga itinuro sa akin ni Kia ang pagmi-make up. Isa iyon sa higit na nagpapaganda sa mga babae, saka sa mga sosyalan kailangan talaga na makolorete ka. Kaya naman talagang pinag-aralan ko ang mga shades, sizes ng brush at kung anu-ano pa about cosmetics.


Namumula na ang pisngi ni Lander. Nakaunan siya sa hita ko habang bina-brush ko ang makapal niyang kilay.


"Hey, don't you dare shave my eyebrows!" Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang pang-ahit na hawak ko.


"Of course not. I won't shave it all off." Nakangising sabi ko. "Trim lang, you see ang kapal masyado."


Bigla siyang bumangon. Lalo akong napangisi sa itsura niya, naka-contour ang mukha niya at may false eyelashes pa siya. Though mukhang hindi na kailangan ng false eye ni Lander, mahahaba na kasi talaga ang pilik niya.


Sino ba ang mag-iisip na sa buhay ng isang Lander Montenegro ay mararanasan niya ang ganito?


"We should bury the past," aniya. "Let's start anew, baby."


Kumunot ang noo ko.


"I know you still hate me."


Natawa ako ng ma-gets ko ang sinasabi niya. "Stupid! Hindi ako gumaganti. Talagang ganito lang ang pagmi-make up. Come on, wala akong gagawin na makakasakit sa'yo."


Hinila ko siya palapit sa akin, ikinulong ko ang mukha niya sa mga kamay ko.


"You're the most beautiful man I've ever seen, Montenegro."


"With these irritating things?" Hinablot niya ang false eyelashes at inis na ibinato sa kung saan. Kinuha niya rin ang kumot at saka ipinunas sa mukha niya.


"Hey, bakit mo inalis? Ang hirap kaya ilagay iyan." Nakangusong reklamo ko.


"If you want to punish me, it's really okay with me. If you like, you can tie me at puwede mo akong latiguhin. You could also cut my fingers. Anything, Aviona. But please, oh, please! Not this way."


Natawa na naman ako. Bruho. Mas gusto pang masaktan kesa make-upan. "Sige na, I'm sorry I forgot na barakong-barako pala itong love ko."

His Indecent Proposal: Lander MontenegroWhere stories live. Discover now