CHAPTER SEVEN

5.2K 186 35
                                    


MULA sa bintana ng abandonadong silid ay sinilip ko si Calix na halatang namangha sa nakita niya. Malinis na ang silid na nakita kong tinatambayan niya noong isang araw. Napangiti ako sa reaksiyon niya. Alam kong mata-touch si Calix kapag nakita niya ang effort na ginawa ko para sa kanya.

Ako nga ang may gawa niyon.

Nagkataong absent ang teacher namin sa klase bago ang vacant kaya nagkaroon ako ng isang oras para linisin ang lugar na iyon. Matiyaga kong inagiwan, winalisan at inalisan ng alikabok ang silid. Nagpuslit ako ng mopper sa maintenance room at nilampaso ko ang sahig. Ang isang silya doon ay dinagdagan ko ng isa pa. Itinulak ko ang isang lumang mesa mula sa kabilang silid papunta sa silid na nilinis ko.

Nagbaon ako ng T-shirt at shorts para hindi ako marumihan. Nagdala din ako ng gas mask para hindi ako makalanghap ng alikabok. Pagkatapos ay nakiligo ako sa female locker room sa gym.

Biglang lumingon si Calix sa gawi ko. Mabilis akong nakapagtago.

"Lumabas ka riyan," utos niya. Naramdaman na siguro niyang may ibang tao roon.

Umangat nga ulit ako at kinawayan ko siya mula sa bintana nang may ngiti sa mga labi.

Bahagyang magkasalubong ang mga kilay ni Calix. "Ikaw ang may kagagawan nito?"

"Ako nga." Umikot ako patungo sa pinto at pumasok sa silid. "Nagustuhan mo ba?"

"Bakit pakialamera ka?" tanong ni Calix. Wala sa hitsura niya na nagustuhan ang ginawa kong paglilinis ng silid na tambayan niya.

"Hindi pakikialam ang tawag doon. Simple act of kindness. Napansin ko kasi na sobrang maalikabok dito. Baka magkasakit ka. Sa bahay namin bawal ang alikabok dahil nagkaka-rhinitis ang mommy ko kapag na-expose siya sa alikabok. Baka magkaroon ka ng rhinitis kung tatambay ka rito palagi at nalalanghap mo ang makakapal na alikabok dito."

"Sira-ulo ka talaga, no? Pinagod mo ang sarili mo para linisin ito para sa taong hindi mo naman kaibigan?"

"Bakit hindi? Itinaya ko nga ang buhay ko nang tulungan kitang makaligtas sa mga taong bumubugbog sa 'yo kahit hindi tayo magkaibigan, eh. Ito pa kayang simpleng bagay na ito?"

"Hindi mo sabi ako iniligtas, eh!" pagrereklamo niya.

"Whatever. Gusto kong malaman mo na masarap sa pakiramdam ang gumagawa ng maganda para sa kapwa kaysa ng masama." Ngumiti ako. "O, siya, maiwan na kita, ha. Enjoy your newly improved lair." Humagikgik pa ako at tumalikod na pero pinigilan niya ako. Lumingon ako. "Magte-thank you ka ba?" umaasam na tanong ko.

"May gusto ka ba sa 'kin?" seryosong tanong niya.

OMG. Nahalata ba ni Calix ang ningning sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya kahit na tinatawag niya akong 'baliw?' Hindi niya puwedeng malaman. Hindi pa. Feeling ko, hindi niya magugustuhan kapag inamin ko ang feelings ko. At saka masyado pang maaga para sa anumang confession. Sa In A Complicated Relationship With A Gangster, wala pang aminang naganap hanggang sa chapter 21. Kailangan ko pang kunin ang loob ni Calix bago ako magtapat. Kaya hindi ko pa puwedeng sabihin sa kanya na crush ko siya. Mas maganda kung mai-in love muna siya sa akin bago ako mag-confess ng feelings ko.

"Whoa! Excuse me! Wala akong gusto sa 'yo, no! Bakit naman ako magkakagusto sa 'yo? Sino bang magkakagusto sa isang bayolente, masungit, suplado, mayabang na gangster na tulad mo at saka--"

"Tumahimik ka!" Naninigas ang mga pangang sikmat niya.

"Pero gaya nga ng sabi ko, hindi ka likas na masama."

"Kung gano'n, bakit buntot ka ng buntot sa 'kin? Bakit sumulpot ka sa rambol namin para ipahamak mo ang sarili mo at bakit mo nilinis ang lugar na ito para sa akin?"

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang