CHAPTER TWO

10K 224 32
                                    

NOTE FROM THE AUTHOR: Hi, guys! Nakilala n'yo na sina Alex at Sandy. May sarili din silang stories! Si Alex ang bida sa Eh Di Sa Puso Mo (SCH series #2) at si Sandy and bida sa Confessions Of A K-pop Fangirl (SCH series #3). Nandito din sila sa wattpad (look for my reading list SCH Series) pero published na ang books nila at puwede nyo nang mabili sa bookstores. Thank you! :) - <3Yngrid


TINANAW ko ang likod ni Calix. Naglalakad siya sa corridor na may kasamang dalawang alagad niya. Kanina ko pa siya sinusundan nang palihim. Bigla akong na-curious kung totoo ang mga nababasa kong gangster love stories. Gusto kong malaman mula sa isang real-life teen gangster kung ano ang tunay na buhay ng isang tulad niya.

Totoo bang nanghahagis sila sa pader kapag tinititigan sila? Totoo bang permanenteng salubong ang mga kilay nila? Totoo kayang addict sila sa pagva-vandalize? Totoo kayang may mga sekreto silang activities at mga ritwal na hindi kailanman malalaman ng mga hindi kasapi sa samahan? At higit sa lahat, totoo bang ang favorite color nila ay black?

Nakasuot na naman ng hoodie si Calix. Parang si Reid talaga siya. Parang nai-imagine ko na naman tuloy ang isang eksena sa In A Complicated Relationship With A Gangster. Iyong eksena kung saan lihim na sinusundan ni Mela si Reid dahil gusto niyang alamin ang weakness ni Reid. Naniniwala kasi si Mela na lahat ng tao—gaano man kalakas at kabagsik—ay may kahinaan din. Kaya para mapatino si Reid ay naisipan ni Mela na alamin ang kahinaan ng lalaki.

Ginaya ko ang mga ginawa ni Mela sa nobela. Naroong magtago ako sa haligi, magpanggap na may kinakausap pero ang totoo ay nagtatanong lang ako ng oras, mag-sneak in nang naka-tiptoe, tumakbo nang mabilis para magtago sa likod ng mga halaman at ultimo ang paggapang sa sahig ay sinubukan ko. Ang tingin tuloy ng schoolmates ko na nakakakita sa akin ay isa akong mentally retarded na naglalaro sa sahig.

Pakiramdam ko talaga ay parang ako si Mela. Feel na feel ko talaga! I swear!

Nakita ko si Calix na may kinausap na isang magandang babae malapit sa bulletin board sa lobby ng school habang nakaupo ako sa isang bench sa di-kalayuan at nagpapanggap na nagbibilang ng mga puno sa school premises. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kumurot sa puso ko. May girlfriend ba si Calix? Bakit hindi ko nabalitaan iyon?

Ang latest news na alam ko ay dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang mag-break si Calix at ang pankista niyang girlfriend na si Jinky. At simula noon ay hindi pa uli nagkakaroon ng bagong girlfriend si Calix. Ang babae bang kausap ni Calix ang bagong prospect niya? Kailangan kong malaman.

Lumakad ako palapit sa bulletin board at tiningnan ang lahat ng mga papel na nakadikit doon. Kunwari ay interesado ako sa mga nakapaskil na announcements doon pero ang totoo ay gusto ko lang mag-eavesdrop sa pinag-uusapan ni Calix at ng babaeng kaharap niya.

"Sa hideout mamayang gabi," narinig ko na sabi ni Calix sa babae.

Hide-out? Iyon ba ang lugar kung saan nagtitipun-tipon ang miyembro ng isang gang? Doon ba sila nagpupulong at nagpaplano ng activities nila? Iyon ba iyong tinatawag na "teritoryo" ni Reid sa nobela ni ilovesushi?

"Okay," sagot ng babae. "Magdadala ba ako ng alak?"

"Sige."

Iyon lang at lumakad na palayo ang mestisang babae.

Iyon lang? Matapos akong magmukhang nerd sa kakasuyod ng buong bulletin board? Iyon lang ang maririnig ko? Hindi ko man lang nalaman kung mag-dyowa ang dalawa? Habang lihim kong sinusundan ng tingin ang babae ay may isang lalaking biglang umakbay sa babae at humalik sa pisngi ng huli. Umakbay din ang babae sa lalaking na-recognize ko. Miyembro iyon ng Mercurial Gang.

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Where stories live. Discover now