CHAPTER FOURTEEN

3.9K 177 28
                                    

"LUMAKI ako sa isang bahay-ampunan. Eight years old ako nang may umampon sa akin. Iyon ang pangarap ng bawat bata sa orphanage, ang may umampon sa kanila para magkaroon ng isang pamilya. Para sa wakas ay maranasan ang magkaroon ng magulang at normal na buhay sa labas ng bahay-ampunan..."

Namangha ako sa ipinagtapat ni Calix. Kaya pala parang kakaiba ang mga kilos niya noong nag-serve kami sa orphanage. Naalala niya siguro ang childhood niya sa ganoong klaseng lugar.

"Akala ko magiging mas masaya ako sa labas kaysa sa loob ng bahay-ampunan. Akala ko, nang may umampon sa akin, mararanasan ko na ang magkaroon ng isang pamilya... pero hindi nangyari iyon."

"A-Anong nangyari sa 'yo?"

"Doon ko nalaman na hindi pala lahat ng childless couples na kumukuha ng batang aampunin sa orphanage ay gustong magkaroon ng anak para alagaan at ituring na parang sa kanila. Kinuha kasi ako ng adoptive parents ko for another reason... for their selfish reason." Tumitig si Calix sa pond na naliliwanagan ng ray of light mula sa ceiling. "Pinagpanggap nila akong long-lost son nila para makuha ang mana mula sa dying grandfather ng adoptive father ko."

"Huh?"

"Mayaman ang lolo ng adoptive father ko kaya lang ay hindi gusto ng lolo niya ang apo niya dahil gumon sa sugal si Daddy. Hindi rin gusto ni Daddy ang grandfather niya dahil wala raw ginawa si Lolo kundi ang tuyain si Daddy. Itinuturing kasing blacksheep ng pamilya ang adoptive father ko. Pero nang magkasakit nang malubha si Lolo, gumawa siya ng paraan para mapalapit sa lolo niya dahil gusto niyang makakuha ng mana. Pero ang sabi ni Lolo, pamamanahan lang daw niya si Daddy kung makikita ang nawawalang anak ni Daddy. Nawawala kasi ang anak ng adoptive father ko. Nawala sa isang park at hindi na muling nakita pa ang sanggol.

"Hindi anak ng adoptive mother ko ang batang iyon. Anak iyon ni Daddy sa ibang babae na ibinigay sa kanya ng ina ng bata na nagpakalayu-layo at hindi na nakita pa. Hinanap naman daw ang bata kaya lang, nag-give up si Daddy dahil isang taon nang hinahanap ang baby pero hindi na talaga nakita pa. Alam daw ni Daddy na sinabi lang iyon ni Lolo dahil imposibleng mahanap ni Daddy ang nawawalang anak. Ayaw talaga ng matanda na pamanahan siya. Kaya nakaisip siya ng scheme. Naghanap siya ng batang kasing edad ng anak niya at kahawig niya para pagpanggaping nawawalang anak. Mas matanda ako ng isang taon sa anak niya pero pinalabas niyang mas bata ako kaysa sa edad ko. Pineke din nila ang DNA result na nagpapatunay ng 'paternity' ni Daddy sa akin. Wala akong nagawa kundi ang pumayag na magpanggap dahil ibibigay raw nila ako sa sindikatong ginagamit ang mga street children para pagkakitaan kung hindi ako papayag. Naniwala si Lolo dahil kahawig ko talaga si Daddy nang time na 'yon at noong una pa lang daw akong nakita ni Lolo at nagustuhan na niya agad ako. Nakasama ko si Lolo hanggang sa mamatay siya.

"True to his word, pinamanahan niya si Daddy pero ang hindi inaasahan ng adoptive parents ko, pinamanahan ako ni Lolo. Mas malaki nang five times sa manang ibinigay ni Lolo kay Daddy. Ang isang parte ng mana ko, ipinamahala ni Lolo sa attorney niya. Ikinuha ako ng educational plans at kung anu-ano pang insurance under my name. At ang apat na parte ay makukuha ko lang kapag tumuntong ako sa disiotso. Kaya galit na galit si Daddy. Dahil hindi niya mapakinabangan ang manang nakuha ko. Kailangan pa niyang maghintay kapag eighteen na ako para makakuha siya ng pera sa akin.

"Ang sabi ni attorney, kapag eighteen na ako ay nasa legal age na ako, may karapatan nang magdesisyon tungkol sa sarili kong pera. Wala nang karapatan si Daddy sa pera ko dahil nasa legal age na ako at hindi kailangan pa ng guardian. Doon ko lang na-realize na sinadya talaga ni Lolo na ipitin ang mana ko. Para hindi iyon magalaw nina Daddy at Mommy. Kung nautakan nila si Lolo sa pagpapaniwala sa matanda na ako ang nawawalang apo, nautakan din naman ni Lolo si Daddy sa pag-iipit ng mana ko. Kaya hindi ako mabitiwan nina Daddy at Mommy kahit hindi nila ako tunay na kadugo. May kailangan pa sila sa akin. Kailangan nila ang pera ko na makukuha ko lang after a year."

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Where stories live. Discover now