CHAPTER ONE

18.4K 338 64
                                    


HINDI ko na mabilang kung ilang beses na akong napahagikgik at napaigtad na parang kinikiliti ako ng sampung pares na mga kamay habang binabasa ko ang In A Complicated Relationship With A Gangster na isinulat ng author sa Wattpad at Booklat na may codename na "ilovesushi." Kilig much talaga! As in!

Isa lang si ilovesushi sa mga author na sinusubaybayan ko ang novels sa mga free online reading website. Ito kasi ang favorite pastime ko. Ang magbasa ng mga istoryang isinusulat ng amateur writers na libreng ipinapabasa sa online community. Okay lang sa akin kahit madalas ay maraming typo errors ang mga istoryang available for free reading. Hindi rin naman kasi ako ganoon kagaling sa sfelling. Hindi naman kasi dumadaan sa proofreading ang mga iyon dahil diretso na iyong ini-a-upload ng writers.

Hindi rin isyu sa akin kahit madalas ay maraming wrong gramming. Hindi rin naman ganoon kabilib-bilib ang English ko. Okay lang din sa akin kahit madalas ay maraming loopholes ang istorya. Iyong tipong maguguluhan ka at some point at guguluhin mo rin ang hair mo kasi hindi mo ma-gets pero later on ay mapapakibit ka na lang ng mga balikat at sasabihing "kiber." Wala naman kasing editor doon na pupuna sa mga mali o kulang sa istorya.

Okay na okay lang kahit tadtad ng emoticons. Gustung-gusto ko kaya 'yon. Ang cute-cute kasi! ^____^ At saka iyon ang uso, no? Kapag marunong kang gumamit ng emoticons, in ka! Wala akong pakialam kahit hindi sila 'yong tipong kapupulutan mo ng matitinding kaalaman tulad ng mga trivia na ibinibigay ni Kuya Kim Atienza. Basta napapakilig ako, solb na ako roon. Ganoon ako ka-hopeless romantic. Sa edad kong ito, madali talaga akong kiligin. Konting kibot, kilig!

Sixteen years old pa lang ako at nasa fourth year sa Saint Catherine High School or SCHS for short. No boyfriend since birth. Given naman kasi bata pa naman ako. Aside din siguro sa fact na hindi ako kasing ganda at kasing popular ng schoolmate kong si Vanna Lopez—ang campus babe/dreamgirl/crush ng bayan/nese kenye ne eng lehet. Pero ang sabi nila, may taglay din akong cuteness. Hindi lang masyadong halata dahil napakasimple lang ng ayos ko.

Hindi naman kasi ako palaayos. Simple lang ng getup ko. Wala akong gaanong alam sa fashion. Lalong hindi ako marunong mag-makeup. Iyong ibang classmates ko, as early as now, nagme-makeup na. Takot ko lang tadtarin ng kurot sa singit ng mommy ko. At saka ayoko pang mag-makeup. Mas gusto ko ang natural look.

Hindi ako campus figure. Ang classmates ko lang ang nakakaalam ng existence ko sa school. Wala akong sinasalihang extra-curricular activities o school clubs dahil wala akong interes maliban sa pagbabasa. Minsan nag-try out akong sumali sa Readers' Club pero sinawi ako kasi puro fiction lang ang binabasa ko. Dapat daw ay mostly general knowledge books ang binabasa.

Hindi pansinin ang cuteness ko at hindi rin ako sikat sa campus kaya siguro wala pa ni isang guwapo ang nagkakainteres na ligawan ako. Yes, may suitors din ako pero hindi ko naman sila type. Hinahanap ko kasi iyong mga tipo ng nababasa ko sa online stories. Handsome, tall, good body built, rich, gangster...

Yes. Gangster o miyembro ng isang youth gang. Ang youth gang ay isang grupo ng delinquent adolescents. Gangster ang tawag sa mga miyembro ng isang gang. Gangster yata ang favorite hero ng online stories. Subukan mong i-type ang salitang "gangster" sa search bar ng Wattpad, kung hindi ka bulagain ng 4,000 plus na search results. Noong una, hindi ko rin ma-gets kung bakit nauuso ang gangster na male lead character sa online novels. 'Di ba bad ang mga gangster? Sila 'yong mga nambu-bully o gumagawa ng mga kalokohan at potential killers balang araw pero bakit ang lovable nila pagdating sa mga nobela?

Sa katunayan, crush na crush ko si Reid Mondejar sa In A Complicated Relationship With A Gangster. Maangas, barumbado, basag-ulero, bully at halos lahat na lang ng kalokohan ay nasa kanya na pero bakit kilig na kilig pa rin ako? Kasi naman napakasalbahe niya sa lahat ng tao sa paligid niya, pero siya na ang pinaka-sweet at loving na guy sa iisang girl na nakapagpatibok sa puso niya. Ayieee!

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon