EPILOGUE

8.4K 257 47
                                    


SUOT ang beautiful pink gown ko, I walked down the grand staircase with a smile. Lahat ng nasa function hall ay nakatingin sa akin. Parang kailan lang, nene pa ako. Ngayon dalaga na. Hindi ako makapaniwalang eighteen years old na ako. Debut ko na!

Eighteen years old na ako! Ibig sabihin... puwede na akong magpa-kiss sa lips!

Ang problema, wala namang hahalik sa akin. Hindi pa kasi bumabalik ang kaisa-isang lalaking gusto kong humalik sa akin sa lips.

It had been two years. I've never heard from Calix. Miss na miss ko na siya. At kahit hindi ko siya nakikita at nakakausap, hindi nawala ang feelings ko para sa kanya. Pinaghawakan ko ang pangako niya na babalik siya.

Hindi ko sigurado kung tutuparin niya iyon. Puwedeng nang umalis siya at hindi na ako nakita't nakausap, unti-unti nang nawala ang feelings niya para sa akin. Puwedeng nakakakilala na siya ng ibang babae sa kung saan man siya namamalagi sa ngayon at na-in love siya sa babaeng iyon.

Nakakalungkot kung ganoon ang mangyayari. Alam kong kapag nalaman kong nakalimutan na niya ang pangako niya, iiyak ako nang balde-balde. Kung mangyayari iyon, wala naman akong magagawa kundi tanggapin kahit masakit. Baka hindi talaga kami ang meant to be.

Basta kahit ganoon man ang mangyari, wish ko pa rin na sana maayos ang kalagayan niya sa ngayon. Sana naayos na niya ang buhay niya. Sana natupad na niya ang mga plano niya. Sana hindi na hadlang ang adoptive parents niya sa maaayos at masayang buhay na gusto niyang makamit.

Last year, tumuntong na siya sa eighteen. Malamang nakuha na niya ang manang ibinigay sa kanya ng lolo niya. Hindi ko alam kung itinuloy niya ang plano niyang paglayo para hindi mahabol ng ganid niyang tiyo at asawa nito ang mana niya o nakaisip siya ng ibang paraan para hindi maagaw sa kanya ang mana. Sana napagtagumpayan niyang maipaglaban ang nararapat lang para sa kanya.

Basta maging masaya lang si Calix, magiging masaya ako para sa kanya.

Pero sana... sana... bumalik na siya. Sana hindi pa rin nagbabago ang feelings niya para sa akin.

Nang sumapit ang eighteen roses ay si Daddy ang first dance ko. Ibinulong niya sa akin habang nagsasayaw kami "'Wag ka munang mag-aasawa, Anak, ha." Patawa si Daddy. Isinayaw ako ng mga pinsan kong lalaki at mga kaklaseng lalaki.

Ang college friend kong secretly gay ang napili kong gawing escort pero nang magsasayaw na kami para sa last dance ko, biglang nowhere to be seen ang beki. Umikot-ikot pa ako ng tingin para hanapin siya nang may humawak sa kamay ko. Akala ko siya na iyon pero nang humarap ako, hindi siya ang nakita ko. Muntik ko nang mabitiwan ang labing-pitong rosas na hawak ko nang ma-recognize ko kung sino ang matangkad na lalaki sa harap ko.

"C-Calix?"

Ngumiti siya. "Happy birthday, beautiful."

Gusto kong maluha sa saya pero pinakapigilan ko. Mas tumangkad na siya ngayon at lumaki ang built. At hindi na lang siya basta cute ngayon, guwapo na siya. Feeling ko tuloy, na-in love ako instantly.

Hindi pa rin ako makapaniwala habang nagsasayaw na kami. Pakiramdam ko, nananaginip ako. Bumalik si Calix. At sa mismong araw pa ng kaarawan ko. Ito na pinakamagandang regalong natanggap ko sa birthday ko.

"I'm back," sabi niya.

Tumango ako. "Yes. You are back." And the fact that he's back only meant two things: naayos na niya ang buhay niya at hindi nagbago ang feelings niya para sa akin. "What took you so long?"

"Hinintay ko talaga na mag-eighteen ka. Para hindi na tayo mga bata kapag niligawan na kita."

Nagtitigan at nagngitian lang kami ng ten seconds dahil mukhang pareho kaming speechless at pagkatapos niyon ay bumaba na ang mga labi niya sa mga labi ko. Yes, he did kiss me in the middle of the ballroom, in front of many guests, with the presence of my parents.

Two years ago, nawala na ang galit ng mommy ko kay Calix nang ipaliwanag ko sa kanya ang lahat at ikuwento sa kanya ang life story ni Calix. Pero mukhang may bago na namang atraso si Calix kay Mommy. Hindi lang kay Mommy, malamang pati kay Daddy.

Pasaway talaga si Calix. Pero I like this kind of pasaway stunt of his. Kilig much.


NOTE FROM THE AUTHOR: The end na po itong kuwento pero may bonus scene pa sa published book. Sana makabili kayo para mabasa nyo rin. Thanks for reading! :) -Heart Yngrid


I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Where stories live. Discover now