CHAPTER FIFTEEN

4.2K 171 15
                                    

NOTE FROM THE AUTHOR: Are you liking this story so far? If you do, kindly hit the share button to share this story on your Facebook, Twitter or other social media accounts! Thank you! :) - Heart Yngrid


NANLAKI ang mga mata ko nang may makita akong isang note sa loob ng locker ko.

Punta ka sa abandoned building na kinainan natin ng cotton candy sa afternoon vacant.

Hindi na kailangang lagdaan pa iyon para malaman ko kung kanino galing ang note na iyon. At sino pa ba ang may lakas ng loob na mangbukas ng lockers nang walang pahintulot sa may-ari? Si Calix at ang Mercurial Gang lang.

Ang totoo, hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kahapon sa loob ng kuweba. Niyakap ako ni Calix. Not once but twice! At sinabi niyang na-miss daw niya ako. Nakakakilig! Parang noong niyakap ni Reid si Mela for the first time. Nakakakilig kapag binabasa pero mas nakakakilig pala kapag nangyari talag sa 'yo.

Habang yakap ako ni Calix kahapon, hindi ko naramdaman na binastos niya ako. Napaka-gentle ng paraan ng pagyakap niya, taliwas sa image niya. Parang ingat na ingat ng yakap niya. At the same time, ramdam ko na gusto talaga niya ang yakap na iyon. Mas lalo kong napatunayan na gusto ko talaga siya habang nasa loob ako ng bisig niya.

Walang nakaalam na magkasama kami sa gubat kahapon nang sabay kaming mawala. Nauna kasi akong bumalik sa mga kasama namin at sinabi kong naghanap ako ng iihian at pagkatapos ay nag-decide akong mag-explore sandali habang breaktime.

Si Calix ay lumitaw habang nagtatanim na ulit kami. Mukhang wala namang nagsuspetsa na magkasama kaming nag-explore ng gubat. Well, maliban kay Gilbert na tinanong ako nang direkta kung nagkita kami ni Calix sa gubat. Siyempre, nagkaila ako pero parang nagsususpetsa pa rin siya.

Bakit kaya ako pinapapunta ni Calix sa lair niya? Pag-uusapan ba namin ang nangyari kahapon? Aamin na ba siya na may feelings na siya sa akin kaya niya ako niyakap kahapon at kaya niya ako na-miss?

Nang dumating ang vacant period sa hapon ay excited akong pumunta sa meeting place namin at nakita ko siyang nakaupo sa isang bench na inupuan namin noon. Gumalaw ang ulo niya na tila pinapalapit ako. Ngumiti ako at tumabi sa kanya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Feeling ko kasi magco-confess na si Calix. Bago ako pumunta roon ay nag-spray muna ako ng baon kong cologne spray. Gusto kong maging mabango ako kapag nag-confess na sa akin si Calix.

Nang sa akala ko ay magsasalita na si Calix tungkol sa feelings niya para sa akin ay bigla siyang humatsing.

"Anong in-spray mo sa sarili mo? Pepper spray?" kunut-noong tanong niya.

"Hindi, ah! Ang bango-bango kaya ng cologne ko." Napasibi ako.

Ngumisi siya at sininghot-singhot ako. "Mabango nga. Medyo naparami ka lang yata ng lagay."

"Hmp." Kunwari ay umirap ako.

"May ipapakita ako sa 'yo."

"Ano?"

Inilabas ni Calix sa bulsa ng hooded sweater niya ang isang picture. Tinitigan ko ang isang batang lalaki. Kahawig iyon ni Calix.

"Ikaw ito?"

Tumango si Calix. "Kuha 'yan noong nasa bahay-ampunan pa 'ko. I was six years old that time."

"Ang cute mo! Tabachingching!"

"Ibinigay sa akin 'yan ni Sister kasama ang picture ng biological father ko."

"Parang ang saya-saya mo dito. At parang ambait-bait na bata. Aminin mo, noong nagpunta tayo sa orphanage para magpakain at magbigay ng laruan sa mga bata, naalala mo ang childhood mo, 'no?

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن