Chapter 3

7.7K 112 56
                                    

Nakapost na din sa gilid ang pictures ng girls from St. Catherine's Academy, saka yung mga ibang tauhan from St. Patrick's Academy. 

Blue Brothers

(Chapter 3 – If I Were You)

 

 

Sa classroom ng mga seniors, maingay na nagtatawanan sina Carlos at ang kanyang mga kaibigan, habang si Tom ay nakaupo lang at nagbabasa ng isang adventure novel. Hindi pa kasi dumadating ang professor nila sa Physics.

“Guys, tingnan niyo si Tomas, busy-busyhan! Hahaha!” natatawang sabi ni Carlos sa kanyang mga kaibigan na sina Eric at Michael.

“Wag ka ngang maingay. Kita mong nagbabasa ako.” masungit na sabi ni Tom sabay balik sa binabasa.

“Hoy! Naiintindihan mo ba yang binabasa mo? Diba English ‘yan? Mas bagay sa ‘yo na magbasa ng tabloid. Tapos samahan mo ng kape, para bagay sa mga taga bukid. Hahahaha!” natatawang panlalait ni Carlos sa kapatid. Halos lahat din sa klase ay nagtawanan.

“Eh kung katawan mo kaya ang takpan ko ng dyaryo?!” maangas na sabi ni Tom.

“Ah! Away na ‘yan! Away na ‘yan!” sigaw ng isang kaklase.

“Okay, class! Please settle down!” biglang dating ng kanilang professor sa Physics.

Umupo na ang buong klase habang sine-set-up ng professor ang touch screen monitor. Nire-review din niya ang klase sa naging topic nila kahapon. Alam ng professor na naging mabilis ang kanyang pagdiscuss sa lesson kaya uulitin niya ito para mas maintindihan ng lahat.

“If I was fast yesterday, I would like to apologize.” sabi ng Physics professor.

Biglang natawa si Carlos.

“Why, Carlos?” tanong ng professor.

“Sir, I think your statement is wrong. It should be If I were, instead of If I was.” biglang sabi ni Carlos.

“This is not an English class, young man!” sabi ng professor.

“But sir, you are a professor. I think you should observe proper English usage at all times.” mayabang na sabi ni Carlos.

“Of course he observes it. His statement is correct.” biglang singit ni Tom. Nagulat ang lahat sa bigla niyang pagsasalita.

“And what do you know about English grammar, country boy?” mayabang na sabi ni Carlos.

“Sir, I know this is not an English class, but do you mind if I explain why your statement is correct? I think Carlos is just confused.” nakangiting sabi ni Tom.

“No, I don’t mind. Feel free to explain.” sabi ng professor.

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon