Chapter 5

5.7K 104 59
                                    

Blue Brothers

(Chapter 5 – Sit Down, I’m Rocking The Vote)

 

 

Nagsimula na ang elections. Mabuti na lang at handa ang school na magsagawa ng manual elections. Isa-isang bumoto ang mga estudyante. Kanya-kanya din na bantay ng mga ballot boxes ang ilang assigned students sa bawat precinct.

Pagkatapos bumoto ni Carlos ay nagkalat ang kanyang mga supporters. They were cheering for the candidate.

“Carlos, ngayon pa lang, congratulations na!” sabi ng isang senior student.

“Well… that’s life.” mayabang na sagot ni Carlos.

Samantala, sa isang precinct ay kalalabas lang din ni Tom. Madami din siyang supporters na mga freshmen at sophomore students.

“Kuya, ikaw po binoto namin!” sigaw ng isang freshman student.

“Salamat sa inyo!” nakangiting sabi ni Tom. He is overwhelmed at the response of the students.

Sa isang iglap ay nagkatinginan ang dalawang magkapatid. Tom is ready to talk to him anytime, pero sadyang nagmamatigas itong si Carlos.

“Let’s go!” biglang sabi ni Carlos sa kanyang mga kaibigan, leaving Tom behind.

**********************

Habang naghihintay ng mga resulta, lumabas muna ng school si Tom para magpahangin, at para makipagkita kay Mindy.

“O, Tom, kumusta ang elections? Panalo ba tayo?” nakangiting sabi ni Mindy.

“Kinakabahan ako.” natatarantang sabi ni Tom.

Mindy held Tom’s hands as they sat on a bench. She was smiling at him.

“Have faith. You did your best. You did well on your campaign, at malinis naman ang hangarin mo.” nakangiting sabi ni Mindy habang tinatapik ang balikat ng binata.

“Bakit pa kasi ako tumakbong president? Eh gusto lang namang gantihan si Carlos noon. Gusto ko lang ipakita sa kanya na hindi ko siya uurungan.” malungkot na sabi ni Tom.

Natawa lang si Mindy sa sinabi ni Tom.

“Bakit ka natatawa?”

“Wala lang. Ang aggressive mo lang kasi. Pero, okay lang ‘yan. Nandyan ka na eh. All you have to do is to wait for the results.” nakangiting sabi ni Mindy.

Bumuntong-hininga lang si Tom, habang tinitingnan lang siya ni Mindy.

“ M-may dumi ba sa mukha ko?” biglang tanong ni Tom. Naco-conscious siya sa pagtingin sa kanya ng dalaga.

Blue BrothersWhere stories live. Discover now