Chapter 6

6.2K 102 50
                                    

Blue Brothers

(Chapter 6 – A Bittersweet Victory)

 

 

It’s a busy late afternoon at Flavors. Usually, at this hour, customers eat their snacks or early dinner. This place is the most sophisticated dining hub in the area. This place is also famous for its desserts and other sweet concoctions.

Nandito ngayon sina Tom and Mindy for their first dinner date. Kalmado lang ang dalaga samantalang hindi mapakali si Tom, habang pinapawisan pa ang mga kamay.

“Is anything wrong?” nakangiting tanong ni Mindy.

“Wala naman. Naninibago lang ako sa lugar na ‘to. Saka ang aga nating magdi-dinner.” sabi ni Tom habang tumitingin-tingin sa paligid.

“Bakit, ngayon ka lang ba magdi-dinner ng 5:00pm?” tanong ni Mindy. Tumango naman si Tom.

“Tara, let’s order na.” sabi ni Mindy sabay tawag sa waiter.

Common lang na makakita ng mga teenage waiters sa Flavors, kahit mga mukha pa itong mga mayayaman. Some private school kids want to work at the restaurant because of freebies and high salaries.

Agad nanlaki ang mga mata ni Tom nang makita ang mga presyo sa menu. Natawa na lang si Mindy.

“Don’t worry. I have my credit card with me.” nakangiting sabi ng dalaga.

“Naku, hindi. Ako ang magbabayad.” sabi ni Tom.

“No. It’s on me. Kasama ‘to sa pinag-usapan natin. You won a dinner date. All expenses paid. Besides, gusto lang kitang i-treat dahil nanalo ka sa elections. You know the saying Everyone loves a winner?” nakangiting sabi ni Mindy.

“Okay. Sabi mo eh.”

They had their early dinner. Tensed si Tom habang kumakain habang pinagmamasdan lang siya ni Mindy.

“Just enjoy the food. Don’t tell me, hindi ganyan yung mga kinakain niyo sa academy?” sabi ni Mindy.

“Sorry ah. Sa school, nasasanay na ako. Pero, pag sa mga ganitong restaurant, hindi pa talaga ako sanay. Iba yung feeling eh. “ nakayukong sabi ni Tom.

“It’s okay. I understand. Pero, relax. Sayang, ang gwapo mo pa naman. Alam mo, kung hindi lang kita kilala, iisipin ko na hindi ka galing ng probinsya. Pwede ka ngang model eh.” nakangiting sabi ni Mindy.

“T-talaga?”

“Uyyy… flattered siya.” nakangiting sabi ni Mindy sabay tawa. Biglang napangiti ang binata. Namula din ang mukha niya.

“O, tingnan mo. E di natawa ka din. Kanina ka pa kasing nakatulala dyan. Pero totoo yung mga sinabi ko ah. You really look good.” sabi ni Mindy sabay hawak sa kamay ng binata sa ibabaw ng mesa.

Blue BrothersDär berättelser lever. Upptäck nu