Chapter 7

5.1K 95 54
                                    

Blue Brothers

(Chapter 7 – Father and Son)

 

 

Isang umaga, bumisita si Carlos sa office ni Johnny. Desidido na kasi siyang i-convince ang ama na pumayag sa gusto ni Natalia.

“What can I do for you, son?” sabi ni Johnny habang busy sa pagt-type ng ilang documents sa kanyang laptop.

“Dad, may gusto lang akong sabihin.”

“About what?”

Umupo muna si Carlos sa harap ng kanyang ama saka siya ulit nagsalita.

“Dad, I think it’s about time na i-accept mo yung merger na inaalok ni Ms. Natalia.” sabi ni Carlos.

Kahit busy sa pagt-type si Johnny, ay bigla siyang natigilan sa kanyang narinig.

“What? Tama ba ang narinig ko? You know Natalia? You discussed things with her? You talked with her?” galit na sabi ni Johnny.

“Yeah. Bakit? What’s wrong with her? She’s nice, at sabi niya, she can be my friend.” nakangiting sabi ni Carlos.

Agad tumayo si Johnny sa kanyang kinauupuan at hinawakan ang mga balikat ni Carlos.

“Anak! Listen to me! Don’t talk to that woman ever again! Please! Avoid her!” galit na pakiusap ni Johnny sa anak.

“Pero bakit nga? Puro kayo bawal, wala naman kayong sinasabing dahilan!” pabalang na sagot ni Carlos.

“Ib-brainwash ka lang niya, gaya ng ginagawa niya sa ‘yo ngayon. She won’t do you any good. That woman is evil!” galit na sabi ni Johnny.

“I don’t believe you! Ang bait-bait niyang tao, and she understands me. Not like you! Wala kang pakialam sa ‘kin!” sagot ni Carlos.

“Of course, may pakialam ako sa ‘yo. Tatay mo ako. Anak kita. Sana makinig ka sa ‘kin. Pinapaikot ka lang ng Natalia na ‘yan!” paliwanag ni Johnny.

“Ang hirap sa inyo, Dad, ang kitid ng utak niyo! Maganda yung ino-offer ni Ms. Natalia na merger ng dalawang schools. Haven’t you heard of the latest business strategies? Wala yata kayong alam!” sagot ni Carlos.

“Mas wala kang alam,kaya tumahimik ka na lang! Ikaw, Carlos, namumuro ka na sa ‘kin. Pinapalampas ko lang ang mga kabastusan mo, but this… is the last straw! Baka akala mo, hindi ko alam na nandaya ka nung elections. Pinalampas ko na lang for some reason.” galit na galit na sabi ni Johnny.

“Sige, dad! I-bring up niyo ulit yung issue na ‘yan. Palibhasa, wala kayong ibang nakitang magaling kundi si Tom. Puro na lang si Tom! Simula nung dumating yang taga-bukid na ‘yan, nagulo na ang buhay ko!” litanya ni Carlos.

“Please, Carlos! Grow up! Matalino kang tao, pero gamitin mo naman sa tama! You act like a 7 year-old kid!” galit na sagot ni Johnny.

Blue BrothersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora