Chapter 16

4.5K 75 40
                                    

Blue Brothers

(Chapter 16 – An Angel From Hell)

 

Some scenes contain mature language and content. These scenes are not suitable for very young readers. Parents strongly cautioned.


The party is over kaya pagod na pagod na umuwi ang magkakapatid sa mansyon. Mas nagmukhang pagod sina Tom at Carlos dahil sa mga problemang kanilang hinaharap. Medyo nakainom din si David na masama ang loob. Inaantok na si Shiro, at si Edward naman ay wala nang pakialam kaya dumiretso na sa kwarto.

Umupo ang apat sa isang malaking sofa sa living room. Napapapikit na sila sa sobrang pagod nang biglang may sinabi si David.

“I hate you, Tom!” galit na sabi ni David.

Nagising si Shiro at nagulat sa narinig.

“Bakit? Anong meron?” nagtatakang tanong niya.

“Itanong mo dyan sa magaling nating kapatid. Akala mo kakampi, pero tinitira ka na pala nang patalikod.” galit na sabi ni David.

“I’m sorry!” biglang sabat ni Tom.

“Wait! Ano ba talaga ang nangyayari? Wala talaga akong alam!” nalilitong sabi ni Shiro habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa ulo.

“It’s about Mindy. Ang sabi niya, bagay daw kami, at wala daw siyang interes. Naniwala naman ako. Pati nga si Mindy, nangakong isasayaw niya ako nung birthday ni Kuya Carlos. Hindi niya ako sinipot.” panimulang kwento ni David.

Nakikinig lang sina Tom, Carlos at Shiro.

“It was late when I knew what really happened that night.” kwento ni David.

Napayuko si Tom dahil sa mga sinasabi ng kanyang kapatid. Unti-unti niyang nararamdaman ang guilt at panghihinayang sa nangyari.

“They had sex that night!” galit na sigaw ni David.

Napatingin ng masama si Shiro kay Tom, habang nakayuko pa din ang nakatatandang kapatid.

“Tapos kanina, hindi lang naman si Kuya Carlos ang nakabuntis… si Tom din.” galit na sabi ni David habang tumutulo ang luha sa isang mata.

Hindi makapaniwala si Shiro sa mga narinig. Nung una ay gusto niyang akalain na biro lang ang lahat, pero nangyari na at hindi na maibabalik.

“Bakit mo nagawa ‘yun, Kuya Tom? Gusto kong marinig ang paliwanag mo.” malungkot na sabi ni Shiro sa kapatid.

Nagtagal bago nakapagsalita si Tom. Hindi niya alam kung paano magpapalinawag, gayung sa lahat ng anggulo ay siya ang mali.

“Nagsisisi na talaga ako. Ang totoo , bago namin ginawa ‘yun, sinabi ko kay Mindy na aminin na kay David ang relasyon namin. Yun talaga ang plano. Oo, nagkaroon kami ng secret affair, pero ginawa lang namin yun para hindi agad mabigla si David.” kwento ni Tom. 

Blue BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon