Chapter 21

4.4K 64 30
                                    

Blue Brothers

(Chapter 21 – Discovery Island)

 

CARLOS - HILLARY Theme Song: Tu Amor (by RBD)  


 “Help! Help! Help!” uncomfortable na sigaw ni David habang nalulunod sa gitna ng dagat. Hindi pa naman siya marunong lumangoy kaya hirap na hirap siyang kumampay.

Pakiramdam ng binata ay mamamatay na siya anumang oras, kaya pumikit na lang siya at sumuko.

“David! Gising na! Nananaginip ka na naman!” firm na sabi ng isang 44-anyos na lalake. Umaga na at ginigising na niya ang binata para mag-almusal.

Siya si Mang Jose, ang mangingisdang nakapulot kay David habang ito ay nalulunod sa dagat, apat na taon na ang nakakalipas.

Apat na taon niyang itinago at inalagaan si David sa kanyang poder. May mga pansarili siyang mga dahilan, pero ayaw pa niya itong sabihin sa binata at sa kung sino mang kakilala nito.

Matangkad at matipuno ang pangangatawan ni Mang Jose. May itsura ito pero dahil sa simpleng pamumuhay at sa sobrang pagtatrabaho ay hindi mabilis tumanda ang kanyang mukha. Isa siyang mabait at tapat na mangingisda sa maliit na baryo ng San Bernardino.  

“Hindi ka pa rin nakakalimot sa mga pangyayari.” firm na sabi ni Mang Jose kay David.

“Hindi niyo rin ako masisisi.” sagot ni David.

After 4 years, madami na din ang nagbago kay David. He is now a charming 21 year-old guy na matagal nang ibinaon ang lahat ng kanyang grudges sa mga taong nakagalit niya. As time passed, masasabi niyang he is now a better man.

Nag-improve na din ang physical aspect ng binata. Kung dati ay cute at plain-looking white guy lang ang madalas itawag sa kanya, ngayon ay pwede na siyang makipagsabayan sa mga hot Hollywood actors. Masasabi ngang late bloomer itong si David pagdating sa looks at posture. He can even challenge Carlos’s dashing look.  

“Nandito na ako! May dala akong pasalubong!” masayang sabi ng isang dalaga habang may dalang mga pagkain pandagdag sa kanilang almusal.

Bukod kay Mang Jose, alam din ni Mindy ang kinaroroonan ni David. In fact, siya ang taong piniling pagkatiwalaan ni David matapos ang drowning incident.

Lalo ding gumanda si Mindy sa paglipas ng panahon. Magkasing-edad lang sila ni David, and she became lovelier than ever.

“O, ayan na pala yung kasintahan mo eh!” natatawang sabi ni Mang Jose.

Parehong nag-blush sina David at Mindy. Sa tagal nilang magkasama bilang magkaibigan sa isla, unti-unting nadedevelop si Mindy sa binatang dati niyang tinatanggihan.

Si David naman ay nagda-dahan dahan na sa mga nararamdamang emosyon. Ayaw na niyang maulit ang nangyaring misunderstanding sa pagitan nila ni Tom. Kung siya ang tatanungin ay matagal na niyang napatawad ang kapatid, at inaamin niyang siya ang mali.

Blue BrothersWhere stories live. Discover now