Chapter 4

6.4K 106 63
                                    

Blue Brothers

(Chapter 4 – Fools in Love)

 

 

Gabi na at ilang oras na lang ay lights-off na ang buong academy. Pero bago ang pagtulog, tumambay muna si Tom sa kwarto nina David at Shiro.

Busy sa paglalaro ng baraha sina Tom at Shiro habang nasa isang sulok naman si David.

“Uy, David. Kailangan pa namin ng isang kalaro. Sumali ka na!” nakangiting alok ni Shiro.

“Oo nga. Kanina ka pang nakatulala dyan. May sakit ka ba?” sabi ni Tom na concerned sa kapatid.

“Hindi. Sige, maglaro lang kayo.” sagot ni David habang patuloy pa din siya sa pagtingin sa may bintana.

Hindi na nakatiis si Shiro kaya nilapitan na niya si David. Tiningnan-tingnan niya ito pero hindi pa rin ito kumikibo.

“May problema ka ba?” tanong ni Shiro.

“Paano pag sinabihan ka ng babae na cute ka?” biglang sabi ni David habang nakatingin pa din sa bintana.

“Bakit? Ahh, alam ko na… kaya ka nagkakaganyan… in love ka!” natatawang sabi ni Shiro.

“Talaga? Sinong nagsabi sa ‘yo na cute ka? Maganda ba yung babae?” natutuwang tanong ni Tom na curious sa mga sinabi ng kapatid,

Pinagitnaan nina Tom at Shiro si David at inantay nila na magkwento ito.

“Nice one, kano! Ikaw ah, first time mo yatang ma-in love. Kaya pala kanina ka pang tahimik dyan.” nakangiting sabi ni Shiro.

“Actually, kanina ko lang siya nakita. Kaibigan ni Ara sa St. Catherine’s.” nakangiting sabi ni David habang namumula ang pisngi.

“Anong pangalan niya, ‘tol?” tanong ni Tom.

“Michelle.” nakangiting sabi ni David na medyo kinikilig kapag naiisip ang dalaga.

“Anong itsura? Mas maganda ba ‘yan kay Miss Melody my love?” tanong ni Shiro.

“Sobrang ganda. Maputi, makinis, maamo ang mukha. Para siyang prinsesa.” pag-describe ni David sa dalaga.

“Wow! Mukhang maganda nga talaga. Taga St. Catherine’s din pala yung crush mo.” natutuwang sabi ni Tom.

“Oo, bakit?” sabi ni David.

“Mga ‘tol, may aaminin ako sa inyo ah. Secret lang muna natin. Nung first day ko kasi dito, may nakita akong babae na taga St. Catherine’s. Sobrang ganda din. Pare, unang tingin ko pa lang, tinamaan na ako!” pagkwento ni Tom sa mga kapatid.

“Nakausap mo naman ba? Anong pangalan?” tanong ni David.

Blue BrothersWhere stories live. Discover now