Chapter 18

4.3K 72 48
                                    

Blue Brothers

(Chapter 18 – Baby Boom)

 

 

Dumaan ang pitong buwan at unti-unti nang nakakapag-adjust sa college life sina Tom at Carlos. Mas malawak at mas madamind estudyante sa Eastridge University kaya sa una ay nahirapan silang mag blend-in. Hindi na sila kasing sikat tulad ng dati.

Parehong walang klase ngayong hapon ang magkapatid. Sabay silang naglalakad papunta sa mga kainan. Habang nagde-decide kung saan kakain ay napansin ni Carlos na lately ay laging masaya si Tom.

“Anong meron sa ‘yo ngayon? Parang lagi kang puno ng energy. Lagi kang on the go lately.” nakangiting sabi ni Carlos.

“Siguro inspired lang ako ngayon.” nakangiting sabi ni Tom.

“Inspired? Kanino?” tanong ni Carlos.

“Inspired… dahil… malapit na tayong maging tatay.” sagot ni Tom.

Napaisip din si Carlos sa sinabi ng kapatid. Anytime ay pwede nang manganak sina Mindy at Hillary. Madadagdagan na naman ang responsibilidad nilang dalawa.

“Kakayanin ba natin ang maging tatay?” nag-aalalang sabi ni Carlos.

“Oo naman. Tayo pa.” sabay tapik ni Tom sa balikat ng kapatid.

Hindi pa man nakakarating sa mga restaurants ang magkapatid ay bigla silang inulan ng mga egg yolk. They were caught off-guard dahil unexpected ang pagbuhos ng itlog.

“Aw, shit!” nandidiring sabi ni Carlos.

“Serves you right, monkeys!” natatawang sabi ng isang malakas na boses.

It was Edward, together with his British friends, William Harley and Harry Winston. Pinagplanuhan nilang i-bully sina Tom at Carlos. Tawa nang tawa ang mga Briton dahil nagmukhang basang sisiw ang magkapatid.

All of a sudden, Tom grabbed another egg yolk in the ground and threw it in Edward’s face. Magaling sa pag-target ang binata kaya sapul sa mukha si Edward.

“Hahahaha!” sabay tawa nina Tom at Carlos.

Asar na asar si Edward to the point na namumula na ang mukha niya sa kahihiyan, kaya agad niyang hinamon ng sapakan ang magkapatid. Hindi naman uurong si Tom dahil sanay siya sa mga basag-ulo nung nasa Cavite pa siya. 

Bago pa man makaisa si Edward ay agad na siyang sinapak ni Tom. Sa lakas ng suntok ay napadapa si Edward. Babangon pa sana siya pero agad naman siyang sinipa ni Carlos sa hita.

“Hey, what are you doin’? Attack them!” utos ni Edward sa kanyang mga kaibigan.

Aatake na din sina William at Harry pero kinabahan sila nang biglang mag tag team sina Tom at Carlos. Back to back ang posisyon ng magkapatid habang naka-ready na ang kanilang mga kamao.

Blue BrothersWhere stories live. Discover now