~1~

1.2K 14 1
                                    

Ai's POV

Magulong buhok. √

Malaking eyebags. √

Madaming pimples. √

Namumugtong mata. √

Makalat na kwarto. √

Baduy na damit. √

Wasted Life. √

Yan ang buhay ko ngayon. Oh, may mas o-obvious pa ba sa pinagdadaanan ko? Naiintindihan nyo naman ako diba?

Nakakainis lang kasi. Pagod na pagod na ako. Kainis!! Umiiyak na naman ako. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim.

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. I can't believe I am being like this. I hate myself. Sinabunutan ko ang sarili ko. "Ah!!!!"

 

"So, ano na naman ang drama mo ngayon?" sulpot ng kapatid kong si Cam. Nakapout akong humarap sa kanya at mangiyak ngiyak.

"I want to move on." sabi ko sa kanya na may halong pag papa cute.

Humagalpak naman sa kakatawa si Cam. "Hahahaha. Move on?? Hahahaha. Ang aga aga, pinapatawa mo ko Ai. Ikaw mag momove on? How many times have you said that? And what happened? Wala pa ring nangyayari sa buhay mo. Three years na ang nakakaraan pero hanggang ngayon, wala ka pa ring nagagawa sa buhay mo." litanya nya sa akin.

Pumunta sya sa kama ko at pinulot ang mga kalat ko. "Ai, ano ba? Kelan ka ba mag mo-move on ha?" malumanay nyang tanong. Nilagay nya ang madudumi kong damit sa basket.

Napapadyak ako sa inis. "I want a new life!!" sigaw ko. Pang alis ng stress at BV.

"Paano ka magkaka new life eh ni ikaw gusto pang mamuhay sa old life?" sagot naman ni Cam. Pumasok sya sa banyo ko at inilagay ang mga binili nyang personal hygiene para sakin.

"Alam mo Ai, isa lang naman ang sagot dyan sa problema mo. Lumimot ka. Mag move on ka na. Start doing it and not saying it." na guilty naman ako. Napa pout at tumalon sa kama ko.

"I really wanted to." naramdaman ko namang umupo sya sa kama at nilandas ang buhok ko.

Miss Moving OnWhere stories live. Discover now