~4~

711 19 0
                                    

Ai's POV

"Akala ko ba, friends lang kayo?" untag sakin ng magaling kong kapatid na si Cam habang nakangiting nakatingin kay Cas na kasalukuyang nagluluto dito sa condo ko.

"Oo nga. Ano na naman ang issue na yan ha Cam?" tanong ko sa kanya. Nararamdaman ko kasi na may kabaliwan na iniisip si Cam. Tell me. Whats wrong with Cas cooking here in my condo? Dati pa kaming ganito ka close. Wala ng issue yun saming dalawa.

"Its just that...parang may spark pa kayong dalawa. Haha. Grabe. Team Aiper all the way pa din!" kinikilig nyang sabi. Napatingin ako kay Cas na busy sa pagluluto. Team Aiper?? I smiled. Yun ang pangalan ng love team namin noon eh.

"Team Aiper? May gf si Cas ngayon Cam. Saka nag move on pa ako no! Saka na yang love life na yan. Masyado na akong nasaktan noon." tumingin ako sa TV kung saan pinapalabas ang One More Chance. One of the best kasi ito.

"May girlfriend? Hmmm." umayos ng tayo si Cam at hinarap si Cas.

"Cas, may gf ka na?" tanong ni Cam. Muntik naman akong mabilaukan sa popcorn ng magtanong si Cam. Ano bang iniisip nito? Nababaliw na ata to eh!

"Haha. Bakit mo naman natanong Ate Cam? Interested ka sakin ano?" pabirong tanong ni Cas kahit na busy pa rin sya sa pasta nya.

"Feel mo naman! Nagtatanong lang kasi alam mo, may irereto ako sayo!" madilim ang iniisip ni Cam. Nakakaramdam ako ng masamang mangyayari.

"May Jen na kaya yan Cam! Ano ba?" inis kong sabi. Teka, bakit ba ako naiinis??

"We broke up." kibit balikat ni Cas. My mouth dropped. What? Bakit hindi ko alam?

"Oh, break na pala eh!" ngumiti ng tagumpay si Cam sa akin.

"Ang daya mo naman! Bakit di mo sinabi? Kelan pa?" naglakad na ako papalapit sa kanya at tiningnan sya ng masama.

"Anong madaya ka jan? Hindi kaya. Saka, kanina lang naman kami nag break ah. Fresh pa! Broken pa ako!" umarte pa syang nasasaktan. Hinawakan pa nya ang puso nya at nag crying face sa harapan ko. Nag aasar ba to?

"Condolence Cas! Eh...bakit ba kayo nag break?" lumapit na din si Cam at nag lean sa may bar.

"Kasi..ininjan ko sya kagabi sa date namin. Nagsabi naman ako na hindi ako makakarating kasi may emergency nga." tumingin sya sakin nun saka tumingin ulit kay Cam. "Tapos ayun na! Nag break na kami. Ok lang. Hindi naman ako masyadong nasaktan." Ok. Ako pala ang may kasalanan pa? Tsk. Nagpaparinig ata ang baliw na ito ah!

"Sorry. Kasalanan ko pa pala." sarcastic kong sabi sa kanya habang nakapamaywang pa.

"Wala akong sinabi ha! Ikaw ang nagsabi nyan!"

"Hep hep hep!" tinaas ni Cam ang kamay nya. "Wala akong maintindihan! Bakit kasalanan mo Ai?" tumingin sa akin si Cam at nagtaas ng kilay.

"Sabi ko naman na ok lang na pumunta ako mag isa diba? Hindi naman kita pinilit! Sabi mo pa, you'll cancel your date na lang at sasamahan mo ko!"

"Eh kung hindi ka ba naman dumating sa condo ko at nanggulo at nag paawa na wala daw syang kasama?"

"Hindi naman kita pinilit ah! Nasaktan pa nga ako dahil nahulog ako sa kama mo!"

"Aba! Sino ba naman kasing may sabi sayo na lundagan mo ako sa kama!"

"Kasalanan ko ba kung tumalbog ako?"

"Aba!! Dala yan ng katabaan!"

"How dare you! Hindi ako mataba! Nakakainis ka!" hinampas ko sya at sya naman ay tawa ng tawa. Napansin ko namang si Cam ay nakahalumbabang nakatingin sa amin.

Miss Moving OnWhere stories live. Discover now