~6~

604 16 1
                                    

Pagod kong binagsak ang katawan ko sa kama. Sunod sunod ang tulo ng mga luha ko. Bakit naman kasi, sa lahat ng time na makikita ko sila eh sa time pa na, nag mo-move on ako.

Kung kelan I am starting to accept things. Na hindi kami pede kasi may iba na. Bakit kung kailan I am starting to feel ok, saka nangyari to?

Masakit kasi, wala na eh. Naka let go na ako! Tapos biglang...hindi ko na alam ang gagawin ko.

Cas was a gentleman for insisting na ihatid ako. But I said no. Dahil, gusto kong mapag isa. I dont wanna end up making Cas a rebound. Best friend ko sya at wala akong balak gawin yun sa kanya.

So, I drive all the way from Vikings to my condo. Crying like a baby na inagawan ng lolipop. The truth is...I hate it!

Tapos nag flashback sakin ang muka nung bata. Shit lang. He looks a lot like his dad. He looks a lot like my ex boyfriend.

Tapos bigla kong naalala yung araw na naghiwalay kami.

"Alam mong mahal kita Ai. Pero, may mali sakin eh. Hindi ko alam. Hindi ko naiintindihan." sabi ni Jayden habang nasa harap sila ng isang romantic place sa supposed to be date na ine-expect nyang Jayden would propose to her.

"Hindi kita naiintindihan." sabi ni Ai. In fact, naiintindihan ni Ai. Nararamdaman na nyang may mali mag umpisa pa lang ang dinner.

She tried to calm herself. No negative thoughts Ai. Sabi nya sa sarili.

Huminga ng malalim si Jayden bago sambitin ang mga salitang magpapatulo ng luha ni Ai.

"I want space." sabi ng binata. Hindi man sinasadya, Ai silently closed her eyes and let her tears streamed down her face.

"Sorry." hinawakan ni Jayden ang kamay ni Ai pero inilag nito ang mga kamay niya.

She took a deep breath as she said the words na alam nyang magpapaguho ng mundo nya.

She loved Jayden with her whole heart. And Jayden will not be that easy to forget. Alam nyang mahihirapan sya. But, she's a girl at masakit sa kanya na sa lalaki pa mang gagaling ang confirmation ng break up nila.

"Im breaking up with you Jayden" tinitigan lang sya ng binata.

"Yan ba ang gusto mo?" nagawa pang itanong ng binata.

"Yan ang gusto mo. Binigay ko nga diba? Ganun kita kamahal." sabi ni Ai at umalis na sya ng lugar habang sunod sunod ang mga luhang pumapatak galing sa mata nya.

Huminga ng malalim si Jayden habang umaalis si Ai. Nasasaktan sya. At yun ay dahil hindi nya magawang sabihin ang totoo kay Ai. Mahal nya ang dalaga. Kaya nga ginagawa ito.

Ilang beses ba akong nagnanakaw ng tingin kay Jayden noon matapos naming maghiwalay? Marami. Palagi ko pa rin syang tinitingnan kahit na nasasaktan ako. I wanted to close my eyes but I'm afraid na baka kapag pumikit ako at muling tumingin sa kanya, wala na sya.

Ilang beses din ba akong nagpanggap na ibang tao para lang malaman ang ginagawa nya? Kahit na nasasaktan akong makita na kasama nya si Ces, tumitingin pa rin ako.

Si Ces ba ang dahilan nya kung bakit kami naghiwalay? Yan ang palagi kong tanong sa sarili ko. Was it really Ces? Anong meron sya na wala ako? I filled myself with insecurities. I filled myself with hatred. Kinulong ko ang sarili ko sa Condo and ended up spending the next 3 years of my life there. Crying like hell. Shouting like no one's listening.

Then I saw someone texted me. I checked my phone and nakita ang message ni Cas.

If you want someone to lean, I always have my shoulders for you. You can cry anytime.

Thank you Cas for always being there. But sorry, alam kong kailangan kong gawin tong mag-isa. Kailangan kong harapin at tapusin na ito ng mag-isa. Yung walang inaasahang iba. Gusto kong malaman ang totoo.

Baka sa paraang yun, magawa ko ng mag move on ng tuluyan. Baka kaya ako nahirapan mag move on ay dahil hindi ko man lang narinig ang dahilan nya. Alam kong nagsisinungaling si Jayden sa kanya tungkol sa dahilan nya. Maybe, that's the reason why all this time, feeling nya may kulang.

Before I closed my eyes, I have decided to do something. I need to do it kahit na masakit. I need to know the truth. I need to.

-----

Umalis ako at nagdecide na pumunta sa kung saan man. But I found myself standing in front of a house na matagal kong di nakita o nabisita man lang. I sighed. What am I doing here? Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay at niluwa noon si Ces.

Nakangiti nya akong nilapitan at kinausap. "Ai, what are you doing here? Napadaan ka ata." sabi nya. Kasunod nya ang batang lalaki na kasama nya kahapon. Agad naman nya itong binuhat at pinupog ng halik.

"Mom, let's eat breakfast na po!" ginulo ni Ces ang buhok ng anak nya saka binaba. She piched the kid's nose and said, "Susunod na lang ako. Tell daddy ok?" tumungo naman ang bata saka muling pumasok sa loob.

"Ai, gusto mo bang pumasok?" tanong nya sakin. I smiled and said the words I wanted to tell her long time ago.

"Can we talk?" lumunok ako. Ghad! Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko?

"Yeah sure. Saan mo ba gusto?" sagot ni Ces. Bakit kapag tinitingnan ko sya, ni konting bahid ng guilt, hindi ko nakikita?

"Ikaw ang bahala." seryoso kong sagot sa kanya.

"Oh, sige. Dadaanan kita bukas sa bahay nyo. 9 AM. You deserve to know something Ai. I'm sorry." bigla akong kinabahan sa sinabi nya. I desrve to know something? Hell yeah, I desrve to know na inagaw mo sakin si Jared. I hate you Ces. And I can't even believe na hinayaan ni Jayden ang kapatid nya na agawin si Ces. So cheap.

---

Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Ces. Sobrang akward ng atmosphere namin. Pero..bakit parang iba naman ang pupuntahan namin? Parang hindi naman resto ito or something.

"Ces, where are we going?" tanong ko sa kanya. She smiled at me and said, "We're gonna visit Jared" kumunot ang noo ko sa sagot nyang iyon. Si Jared? Hindi ba't nasa bahay ila si Jared?

Tumingin ako sa labas at natanaw ang lugar na pupuntahan namin. This can't be happening.

(A/N: 5 chapters to go. Haha)

Miss Moving OnWhere stories live. Discover now