~2~

1K 15 0
                                    

Ai's POV

Ang tagal naman ni Cas! Anong oras na ba o! Tumingin ako sa relo ko. Haayyy. 30 mins ng late si Casper Natividad. At nahihiya na ako dito.

Nakakailang kasi ang dami natingin sakin. Ano ba problema nila? Hindi naman ako mukang taong grasa ah. Tiningnan ko ang sarili ko.

Blue na Keds na binili ni Cam para sakin just last last week! Maong shorts na bigay din ni Cam sakin 2 months ago tsaka isang white plain shirt na may nakasulat na Paris na matagal ng nasa closet ko pero ngayon ko lang naisipan na gamitin.

Ok naman ang outfit ko ah? Hindi naman ako huli sa uso. Nakakailang lang talaga siguro dahil matagal tagal din akong nagmukmok sa bahay ko.

"Sorry. Late ako." hinalikan nya ako sa pisngi at umupo sa tapat ko. Nag lean forward sya sakin at ngumiti.

"Anong gagawin natin ngayon?" curious nyang tanong. Actually, hindi ko alam kung anong gusto kong gawin. Mag iisip pa lang ako.

"Hindi ko alam." kibit balikat ko. Ano nga ba ang dapat unahin??

"Tsk. Sige. Ako na ang bahala." tinaasan nya ako ng kilay. Baliw talaga tong si Cass.

"Teka, bakit ba palagi ka late??" inis kong sagot. Kung nauna sana sya, edi kanina pa akong may kausap dito at di mukang tanga diba?

"Palagi? Nung mag syota tayo, ikaw ang laging late sa date natin no!"

"Kahit na! May karapatan akong ma late! Kayong mga lalaki, wala! Kayo ang nag aya ng date eh!!"

"Kayo kaya ang humingi ng date kaya kami nag aya!" tapos bigla na lang kami tumawa. Nagkakaintindihan talaga kami ni Cas. Parehas kasi kabing baliw neto.

Tumayo na sya at hinigit ako. "Tara na sa first step." naglakad na lang kami kasi isang compound lang naman to. Nandun na ang coffee shp, ang mall, ang amusement park, basta! Madaming bagay bagay dito!

"Anong first step?" napanson kong nakatigil na kami sa harap ng isang salon. Nakatingin sya taas. Binitawan nya ang kamay ko humarap sakin.

"Haircut." tinanggal nya sa pagkakaipit ang buhok kong ang lakas maka pinya hair.

"What happened to your hair? Parang di naaalagaan. Grabe ka mag move on kay Jaden!" hinigit nya ako papasok sa loob. May kinausap sya na babae at pinaupo na ako sa upuan sa harap ng salamin. Anong gagawin nila sa buhok ko?

Si Cas naman, busy sa pagbabasa ng magazine. Kainis to, ayaw akong kausapin. Ang boring kaya!

"Cas!" tawag ko sa kanya. Agad naman nyang binaba ang magazine. Kasalukuyan akong ginugupitan ng buhok. Err. Sana maganda to.

"Bakit?" tanong nya.

"Bakit haircut ang una?" tanong ko naman sa kanya.

"Kasi, yan ang una mong ginawa nung nagmove on ka sakin after our break-up." nginitian nya ako. Move on ka dyan! Nagkataon lang na nagpagupit ako!

"Move on? Di naman ako nag move on sayo ano!" tanggi ko.

"Di daw. Kahit papaano alam kong minahal mo ko!!" state nya. Napatawa naman ng mahina yung babae.

"Ex lovers pala kayo Cas eh." sabi nung babae. Wait. Magkakilala sila?

"Haha. Im Cas's ex girlfriend too." nginitian nya ako at patuloy sa pag aayos ng buhok ko.

Miss Moving OnWhere stories live. Discover now