~9~

590 11 1
                                    

~9~

"Ouch!" reklamo ko sa lalaking bumangga sakin. Agad kong pinulot ang ilang papel na nahulog mula sa mga kamay ko. Tinulungan naman ako nung lalaki sa pagpupulot. "Sorry Miss. Nagmamadali lang." kahit medyo inis ako ay na-appreciate ko naman ang pagtulong nya at paghingi ng sorry. Tumunghay ako para makita ko man lang ang mukha ng lalaking tumulong sakin. Agad na nanlaki ang mata ko ng makita ang mukha ni Casper Natividad. Ang pinakagwapong nilalang na nag-eexist sa mundo.

Magsasalita na sana ulit ako ng bigla syang tinawag ng isang kaibigan at iniwan akong nakatulala. Stupid Ai! Ako, si Ai Zalderiaga ay natagpuan nakatunganga ang sarili sa harap ng nagiisang si Casper Natividad! Ghad!

"Hoy Ai Anyare?" tanong sakin ni Danica habang nakapila kami ngayon sa may registrar. "Wala. Ok lang ako." pagsisinungaling ko habang minumura ang sarili ko sa katangahang ginawa ko sa harap ni Casper.

"Wala daw. Sus! Meron yan! Spill it na kaya! Like, bibihirang matulala ang nag-iisang Ai Zalderiaga!" huminga ako ng malalim at napapikit. Can I tell this to Danica? Ghad! Feeling ko puputok na ako anytime pag hindi ko nasabi sa kanya yun.

"Later." sagot ko sa kanya. Mahabang pila pa ang hinintay ko para lang makakuha ng schedule for my first sem as first year student sa SLU. Their site is under construction kaya kinailangan pa naming pumila at kung ano ano pa.

Pagkatapos namin makakuha ng schedule ay dumeretso na kami ni Danica sa McDonalds na nasa loob lang ng campus. Dadalawa naman kaming nakapasa dito kaya kami lang ang magkakilala bukod da ilang familiar faces na nakakakilala rin sakin.

"What??" napatayo si Danica sa kinauupuan nya pagkatapos kong sabihin sa kanya ang nangyari. I knew it! Hindi ko na dapat sinabi sa kanya. Alam ko namang ganito ang ire-react nya. Napatingin tuloy ang ibang tao sa kanya. This is so humiliating. Can someone please remind me kung paano ko naging kaibigan ang isang to?

"Umupo ka nga!" saway ko sa kanya sabay higit sa kanya paupo. "Wag kang mageskandalo dito. Please lang Danics!" inis kong sabi sa kanya.

"OMG. Si Casper Natividad, nakabangga mo! Kya!" sabi pa nya habang kinikilig kilig. "Kailangan mo ba talagang ulitin?" asar kong sabi. She leaned in the table and talked to me with her hushed voice.

"Ano ka ba gurl? That's freakin Casper the hot and nice Nativudad kaya! Nakakakilig naman!"

"Anong nakakakilig dun sa napatulala ako aber?"

"Wala. Pero, basta! Improving na yan! Nako, kahit kras ko pa yang si Casper, willing akong i give up sya para sayo." sabi pa nya.

"Nakakainis alam mo yun? Isa lang naman akong normal na babae na may crush kay Casper Natividad na nagmula sa Xavier Academy. Nakakainis. Alam mo yun?"

"Hindi ka normal teh. Ikaw ata si Ai Zalderiaga. The goddess."

"Kahit na. Wala namang epek ang ganda ko sa kanya. Katulad kanina, iniwan nya lang ako!"

"Enough na Ai! OA na. Ikain na lang natin yan ng fries." sabay subo sakin ng isang habang fries. Napairap na lang ako sabay kain ng fries na nilagay ni Danica sa bibig ko.

Weeks passed at first day na ng pasukan. Excited ako bilang film major ako at marami akong makakasalamuhang tao. I got to pick the subjects I want to take aside from my majors kaya naman mas naging masaya ako.

Wala akong klase ng monday which is a good thing cause I really hate mondays. So tuesday ang first day ko at since nag overload ako sa subjects, I have four subjects for today. And History is my first one.

Miss Moving OnOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz