Chapter 1

3.8K 44 6
                                    

[[Author's Corner:
 I would like to dedicate this one to my first readers who requested a second book specially to Star Stacey poh who personally commented. Kasi ang totoo niyan, I don't have any plans talaga or sana on writing a season two, or book two, at all..but because star stacey poh's dying for me to write, ayun na nga...tadtad ang imagination ko nito. and also to ayamja and Jze1812 for your comments..'am so happy....haha...:D

hopia like this one.]]]
 


("The gangster and the undercover 2 : 'Mission and distraction' by blessanimated(mistress)©2013)


All characters in this story does not exist and are all in the imagination of the author. Any resemblance of the story to any reader or anyone is highly coincidental.

-=-=-=-=-=-=-=-=-

-=-=-=-=-=-=-=-=-


_____CHAPTER 1_____


 【 HYACINTH 】


"Nasa location na kami."

"Okay. Nasa room 703 ang target. Kakacheck-out lang nung guest sa room 704. Kumbinsihin n'yo silang doon kayo magche-check in."

"Okay, copy that."

Naglalakad na kami ni Timmy patungo sa reception area para mag-check in.

"Good evening ma'am, sir.." bati nung receptionist sa'min.

"Sa room 704 kami, please.." diniretso ko na siya. Siguro naman hindi niya ipagdadamot sa'min ang kwartong yun.

"Kaka-check out lang po nung guest na nasa room na yun ma'am eh. Kailangan pa naming--"

"Then we'll wait here." putol ko sa kanya.

Para naman itong natakot sa presence ko at napamaang sandali.
Inakbayan ako ni Timmy sabay ngiti doon sa receptionist. "Ah eh..kasi miss, may significance kasi para sa asawa ko ang number na yun. Date kasi yun ng anniversary namin eh. So, okay lang ba?" magiliw niyang sabi.

Napangiti naman yung receptionist kalaunan saka kinuha ang telepono at may kinausap sandali.
Nang ibaba na nito ang cordless phone ay ngiti na niya kaming hinarap. "Maghintay nalang po kayo sa lounging area ma'am, sir."

Nginitian rin ito ni Timmy. "Thanks." Tapos ay naglakad na kami patungo doon sa lounging area ng hotel.

"Ang rough mo naman du'n sa babae, Cinth.." saad sa'kin ni Timmy nang nakaupo na kami doon.

Tinitigan ko siya, kunot ang noo. "Hindi kaya."

"Tss, natakot nga sa'yo eh."

Inikot ko nalang ang mga mata ko. "Oo na, oo na.."

Ilang sandali pa'y lumapit na sa'min yung receptionist at binigay sa'min ang key card nung kwarto.
Tapos ay umakyat na kami patungo sa pang-apat na palapag ng hotel kung saan matatagpuan ang magiging kwarto namin.

Pagpasok namin doon ay ginawa na agad namin ang dapat naming gawin. Pagkatapos ng ilang minutong paghahanda ay lumabas na kami ng kwarto at lumapit sa pinto ng katabing kwarto, dala ang isang duplicate key card ng kwarto. Dalawang araw na naming pinaghandaan ang operasyong ito kaya siya nalang ang kulang.

Si Rodrigo Zaldivar.

Sa dami ng criminal records niya, isa nalang ang masasabi ko.

Mapanganib siya.

Nakataas nang pareho ang mga baril namin ni Timmy at tinanguan ang isa't-isa.
Tapos ay nag-swipe na ako.
Pagbukas ng pinto ay sinipa ko yun ng malakas saka tinutok ang baril ko sa loob.
At andun nga siya.
At halatang nagulat siya sa 'min.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora