Chapter 9

719 17 3
                                    

(A/C: this one's for littleangel17 who commented..thanks ha. i REALLY appreciate it! [ToT] <tears of joy>  i just hope you'll like this...)

_____CHAPTER 9_____


     【 CODY 】


"All of these are included in your exams next week. So please class, study hard. If studying hard's not enough, study harder.."

Medyo natawa naman ang buong klase sa punch line ko. Pero sabay-sabay rin naman silang sumagot ng 'yes sir' sa sinabi ko.

"Any questions or clarifications class?" tanong ko sa kanila.

Sumagot naman sila na wala na.

"Okay. That would be all today. Class dismissed."

At nagsi-tayuan na nga ang mga estudyante ko't naglabasan na. Inayos ko narin ang mga gamit ko't lumabas na ng room. May kasabay pa akong isang babaeng estudyante sa pinto kaya pareho kaming natigilan saka nagkatinginan.

"Ikaw na mauna, Mickey.." sabi ko sa kanya.

"Ikaw na po, sir.." ngiti naman nitong sagot.

"Sige na, ikaw na." utos ko.

Kaya tumalima narin ito. Halatang kinilig pa sa ginawa ko.

'Haaay, mga estudyante nga naman.'

Tatlong buwan narin ang nakalilipas simula nang nilipat ako sa high school campus ng Moonstone university. Hindi na kasi kuno mapanatag ang administration sa dami ng mga student-fans ko na nagkakagulo sa tuwing nakikita nila ako. At least daw, sa high school campus, mas kontrolado ang mga estudyante.

Kaya heto nga ako ngayon. Isang social studies teacher sa high school campus ng Moonstone.
Grade eight ang tinuturuan ko't ilang sections pa ng junior high. Sa dami nga nila, mababaliw ako. Pero ayos lang. Mas gusto kong ganito na busy at nape-pressure ako. I can focus on my job alone.
And no distractions bugging me.

Nasa faculty room pa ako nang magsidatingan ang ilang mga estudyante ko mula sa iba't-ibang klase na tinuturuan ko. Pinasa lang naman nila sa'kin ang mga pina-check ko sa kanilang mga papel.

Pinapa-gaan talaga nila kahit paano ang trabaho ko.

"Thanks guys. You may go now."

"Yes sir.." chorus nilang sagot saka nag-alisan na.

"Ang cute talaga ni sir Cody 'no?"

"Oo nga!" narinig ko pa ang bulungan at hagikhikan ng mga ito bago tuluyang nawala sa paningin ko.

'Ganun parin ba talaga ako ka-charming at kalakas ang dating?'

Hindi na ako ganun kabata, pero isa pa rin akong magandang lalaki para sa mga estudyante. College, and even high school students.

Napangiti nalang ako't umiling-iling.

Ngunit kalaunan ay sumilay rin ang lungkot sa mukha ko.

'Too bad she's not here to see that..'

Nang maisip ko siya'y bigla akong napakurap at napatingin sa hawak kong ballpen.
Hindi ko namalayang masyado na palang mahigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen ko't nabali ko na ito. Ni-regalo pa naman 'to ni Milo ilang buwan na ang nakararaan at mamahalin pa ang ballpen na 'to, tsk.

Kumuha ulit ako ng isa pang ballpen at nagsimula na ako sa pag-record ko ng mga quiz papers na hinatid ng mga estudyante ko sa'kin kanina. Ako na nga lang ang naiwan sa faculty room ngayon.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon