Chapter 8

1K 25 2
                                    


_____CHAPTER 8_____

Dumadagundong parin ang pinto sa mga suntok at hampas ni Cody rito. Kung sumisigaw man siya, hindi ko talaga marinig dahil sa ang pinto ay makapal, at gawa sa bakal.
Kailangan kong makapunta roon para kunin rin si Sakura na nabitawan ko malapit lang din sa pintong iyon. Kung hindi ko siya mapapabagsak gamit ng sarili kong lakas, si Sakura na mismo ang gagamitin ko.

Ngunit nahihirapan na akong maglakad ng tuwid at mabilis dahil sa mga pinsala sa katawan ko.
At patuloy parin ang ingay ni Cody mula sa labas.

'Ang tigas ng ulo niya.'

*BANG!*

I frozed.

Medyo mahina, pero sigurado akong putok ng baril yun.

Ang tahimik na ng paligid.

Sigurado akong galing sa labas iyon.

Hindi.

"CODY!"

Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit sa pinto ay may pumulupot nang mga braso sa leeg ko.

"Saan ka pupunta, ha??" si Guillermo.

Sinubukan kong kunin ang braso niya gamit ang kaliwa kong kamay, ngunit hindi ko kaya.
Hinigpitan pa niya ang pagpulupot sa leeg ko kaya nahihirapan na akong huminga.
Habang magkadikit kami ay nararamdaman ko ang isang matigas na bagay sa gilid ko.

Si Minchie.

Kinuha ko iyon gamit ang kanang kamay ko.

Masakit, pero nagawa ko itong bunutin at agad na kinuryente ang braso niya.

"AAAHH!" Napasigaw siya't agad akong binitawan nu'n.

Habol ang hininga na tinapat ko sa kanya si Minchie.
Ginalaw-galaw lang niya ang braso at tila ininda lang ang kuryente. Saka tumatawang tiningnan niya ako. "Pretty impressive, agent. But unfortunately, you'll gonna die here, now.."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Akalain mo nga naman, marunong palang mag-ingles ang mga kriminal na tulad mo.."

Pero umiling ako kalaunan sabay tapon kay Minchie na ikinagulat niya. "Ininda mo lang ang kuryente. So why use it?"

Tumawa ulit siya ng malakas sa sinabi ko. "Napaka-tapang mo talaga. Pero sayang yan kung wala ka naman sa tamang pag-iisip!"

Tumakbo siya papunta sa'kin na una ang parehong kamay. Nahawi ko ang mga braso niya ngunit hindi yun sapat para mapigilan ko ang pagsugod niya kaya madali niya parin akong naitulak patungo sa pinto. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig sa'kin nu'n. At sa lakas ng pagtulak niya'y parang nawalan ako ng hininga ng ilang segundo pagbangga ko sa pinto. Tapos ay hinila niya ang buhok ko't pinaharap niya ako sa bakal na pinto't hinawakan ang dalawa kong kamay. Napangiwi ako sa sakit ng kanang kamay ko sa higpit ng hawak niya.
Hinila niya ulit ang buhok ko saka binunggo ang ulo ko sa pinto.

At binunggo ulit.

At binunggo pa.

At binunggo ulit.

At tila nag-e-enjoy pa siya sa paulit-ulit na ginagawa niyang pagbunggo ng ulo ko sa pinto.
Hanggang sa naramdaman ko na ang pag-agos ng maraming dugo sa noo ko.

'Nakakarami na siya.'

Nang hilahin niya ulit ang buhok ko ay tinapakan ko ng buong lakas ko ang isang paa niya kaya napasigaw siya't nabitawan ako. "Bw?set ka!?"

Umikot ako't hinarap siya.

Buong lakas akong tumakbo para sugurin siya.

"YAAAH!!" Nakataas na yung kaliwang kamao ko nang makita kong may binunot siya mula sa likuran niya't tinapat yun sa'kin.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon