Chapter 2

881 27 1
                                    

_____CHAPTER 2_____


"Sobrang ganda talaga ng mga falls at springs doon, anak! Balak ko ngang bumalik doon eh." napangiti ako sa mga kwento ni dad sa'kin. Ilang araw narin ang nagdaan mula nang umuwi ito mula sa ibang bansa.

"Pero sana, sa susunod kong punta doon ay kasama ka na, Cinth." sumilay naman ngayon ang lungkot sa likod ng mga ngiti niya.
Sinasabihan na kasi niya akong tumigil narin sa trabaho ko. Tapos, magbabakasyon kami sa buong mundo ng magkasama hanggang sa magsawa kami.

Pareho naming pangarap yun.

Hinalikan ko siya sa noo niya at niyakap pagkatapos. "Don't worry dad, we're working on it. Minsan nang nakatakas sa'kin ang Guillermong yun. At sa susunod na magkita ulit kami, hindi ko na talaga siya patatakasin pa." buong-tapang kong sabi sa kanya. "At sa oras na mahuli na namin siya..," mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Magsasama na tayo sa bakasyon!"

Halata ang excitement sa pagtawa ni dad sa sinabi ko. "Please child, bilisan mo na yang trabahong yan. Okay?"

"Opo, dad." kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya't umupo na para kumain.
It was five years back since dad retired from the air-force. Halos sabay lang sila ng ninong kong si Monty. Katunayan nga, sila ang magkasama sa mga bakasyon nila sa iba't-ibang bansa. Masaya naman ako kasi at least, hindi nag-iisa si dad.

"By the way, Cinth, how's Quentin?"

"Nasa ICU pa siya dad eh, at hindi parin nagkakamalay."

"Ganun ba? Pero ligtas na siya, hindi ba?"

"Yeah. Nakuha na yung bala sa tagiliran niya noong operahan siya."

"Good to hear."

Habang kumakain kami ni dad ay wala na kaming ibang naging topic kundi ang misyon ko. Well, ganun naman talaga kami. Laging trabaho ang pinag-uusapan.
Noon nga, nung nagta-trabaho pa siya, lagi kaming nagku-kumparahan ng mga misyon. Mas mapanganib, mas maganda. Minsan ako ang panalo, minsan, siya. But at the end of the day, pareho kaming nagtatawanan.
Na-miss ko tuloy ang mga panahong yun. But nevertheless, masaya ako na masayang-masaya si dad ngayon sa bakasyong tinatamasa niya.
At gaya nga ng sinabi niya, sa oras na madakip ko si Guillermo at matapos na ng tuluyan ang misyon ay magre-retiro narin ako.

"Naku anak, bilis-bilisan n'yo namang tapusin ang misyong yan ha? Naiinip na ako eh. Excited na akong mag-tour around the world kasama mo eh!"

Tinaas ko ang dalawa kong kilay nang hindi tumitingin sa kanya habang ginagalaw ang pagkain ko. "Dad, sa oras na magkaroon ulit ng lead..kikilos naman agad kami eh."

"But we are not getting any younger, child. I am, and you are, too. Bakit ba kasi hindi mo nalang pinaputukan nung nasa elevator pa kayo? Edi nasa eroplano na sana tayo ngayon."

Tumawa ako ng bahagya sa sinabi niya.
"Sumusunod naman ako sa SOP, dad."

Pumalatak siya. "At kailan ka pa sumunod sa SOP, ha, Cinth?"

"Grabe ka naman, dad. Sumusunod kaya ako!"

"But knowing you, I know you'll break the rules especially when the criminal's only centimeters away from you."

Napatigil ako sa pagkain. Tiningnan ko si dad. Busy rin ito sa pagkain.

"Y-yun ang utos ni sir Henry eh." kahit ang totoo, hindi talaga yun ang dahilan.
Masyadong malaki ang tiwala ni dad sa'kin, at ayoko siyang mag-alala at biguin.
Totoo ang sinabi niya kanina. Kung ginawa ko yung sinabi niya, baka nga nasa kulungan na ngayon ang most wanted criminal sa bansa.

Kaso, natakot ako.

Ayokong aminin yun pero, ganun talaga eh.  Noong dalawa nalang kami sa elevator, nagdalawang-isip ako. Ni hindi ako maka-pikit sa takot na mahalata niya ako't may gawin siya sa'kin.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionWhere stories live. Discover now