Chapter 4

1.1K 31 0
                                    




_____CHAPTER 4_____


   【HYACINTH】


Lumiko siya sa kanan. At agad ko siyang sinundan.
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng motor ko. Kailangan ko siyang mahuli.

Si Randy Valdez. Ang link namin kay Maurice Guillermo. Dahil sa oras na makatakas siya, mabubulilyaso ang operasyon at mabibigo kami. At lagot ako sa daddy ko, pati na kay Henry.

"Cinth, papunta na ang back-up team diyan sa inyo. Huwag na huwag mo yang patatakasin." saad niya mula sa kabilang linya.

"Roger that." pinihit ko pa ang manibela ko't binilisan ang pagpapatakbo. In fairness sa Valdez na 'to, magaling magpatakbo ng motor. Pero siyempre, hindi ako magpapaisa.

Lumiko ulit siya sa kaliwa na sinundan ko agad.

Nilagpasan niya ng walang kahirap-hirap ang mga kotse at malalaking trak na nasa unahan namin.

Magaling nga siya.

Nag-accelerate ako ng konti at sinundan ang mga daang una niyang dinaanan.
Nakita ko ang isang traffic light sa unahan namin. Mukhang malapit na ito mag-red light. At nakalampas na siya doon. Lumiko ito sa kaliwa.

Nag-accelerate naman ulit ako at inunahan yung malaking trak sa kaliwa ko saka liko sa harap nito diretso du'n sa daang binaybay ni Valdez.
Saka umilaw ang red light.

'Akala niya maiisahan niya ako ha..'

Medyo malayo na siya sa'kin, pero at least tanaw ko parin siya. Nang mapunta kami sa isang diretso at walang sasakyang kalsada ay mas binilisan ko pa ang takbo.

"Don't hesitate to use weapons, agent. But we need him, alive."

"I know, sir. Ako nang bahala rito."

Ilang sandali pa'y nakahabol narin ako sa kanya. Tamang-tama, walang sagabal.
Nang ilang metro nalang ang pagitan ko sa kanya ay agad kong binunot si Sakura at tinutok du'n sa motor na sinasakyan ni Valdez.

*BANG!-BANG!-BANG!*

Nasapul ko ang isang gulong ng motor niya kaya nagpagewang-gewang ito ng takbo. Agad naman akong nag-menor at minasdan ang bawat galaw ni Valdez. Mukhang hindi na niya na-kontrol pa ang manibela ng motor niya kaya gumewang pa ito at tumirik. At napatalsik siya sa ere.

Nilagpasan ko yung motor at dumiretso sa gitna ng kalsada kung sa'n siya bumagsak.
Pagtigil ko'y agad kong tinutok sa kanya si Sakura. Ngunit hindi na pala yun kailangan dahil wala na itong malay.

Ilang sandali pa'y natatanaw ko na ang ilang sasakyan ng agency na palapit sa'min.

"Good job, Cinth.." saad kapagkuwan ni Henry mula sa speaker ng helmet ko.
Hindi na ako sumagot. Sa halip ay pinaandar ko na ulit ang motor ko't umalis na doon.
Gusto ko nang umuwi at matulog.

Bumalik ako sa dati kong ruta. Hinarang pa ako ng isang pulis pagbalik ko.  Nakita malamang nito yung nangyari kanina, binigyan ako ng ticket ng overspeeding eh. Ngunit nang ipakita ko sa kanya ang I.D. ko ay hindi na nito tinuloy pa ang pagbigay ng ticket at pinaalis na ako.
Ngunit habang matiwasay kong binabaybay ang daan pauwi, napansin ko ang isang motorsiklong sumusunod sa'kin.

Binilisan ko ang takbo ko sabay liko sa isang crossing.

Nakasunod parin siya.

Haay..anubayan, uso na ba ang habulan ng mga motor ngayon sa Alps? Pagkatapos kong maging taya, ako naman ang hahabulin? Tsk.

Pagliko ko sa isa pang crossing pakanan naman ay pinihit ko ulit ang manibela ko't binilisan ng dalawang beses ang takbo ko. At swabe kong minaniobra ang motor ko't nilampasan ang mga kotseng sagabal sa daanan ko.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionWhere stories live. Discover now