epilogue

1.2K 41 22
                                    

[[A/N: Hindi ganun ka-ganda di'ba? Haay..pero ayoko na talagang mag-isip pa ng iba, nakaka-bw?s?t lang kasi eh..hehe..
And oh!
By the way, this epilogue might be  long, & boring pero pagtiyagaan n'yo na. :]]

_____EPILOGUE_____


"Ang ganda ng sunrise.." sabi ni Hyacinth habang tinatanaw ang unti-unting paglitaw ng araw sa kalangitan. Yakap niya ang nakasandal sa kanyang si Cody habang nakaupo sila sa isang may sandalang bench sa magandang park ng Alpsburry.

Umayos naman sa pagkakaupo si Cody at hinarap siya na nakangiti. "At mas maganda dahil kasama kita.." nilapit nito ang mukha sa kanya ngunit agad naman niyang tinulak ang pisngi nito.

"Heh..para kang sira."

Bumusangot naman ang mukha nito. "Hindi ka na sweet. Tell me, hindi mo na ba ako mahal?"

"Ang OA mo."

"Anong OA? Hindi kaya? Nakakainis ka! Ang sweet-sweet ko sa'yo tapos ikaw..."  At ang dami na nitong kunsumisyon sa buhay.

Inikot naman ni Hyacinth ang mga mata niya saka hinalikan sa pisngi si Cody kaya natigil ito sa katatalak.

"Sinisira mo ang magandang sunrise.."

Ngumiti naman ito. "Tumawag ang daddy mo sa'kin." pag-iiba nito ng usapan.

"Anong sabi niya?"

Medyo nag-aalangan pa itong sumagot pero kalaunan ay nagsalita rin ito. "Gusto niya raw, ano....lalaki." namumula pa ito nang sabihin iyon.

Nangunot naman ang noo ni Hyacinth sa sinabi ni Cody ngunit bahagya rin namang ngumiti kalaunan. "Bakit hindi?"

Nagitla si Cody sa narinig at tila hindi makapaniwalang hinarap si Hyacinth na nakanganga pa. Pero hindi siya makapagsalita sa sobrang saya. "Uh-uhm...I-in that case..uhm..I..i'll be back." nauutal pa niyang sabi saka kumaripas ng takbo paalis doon.

Samantalang puno naman ng pagtataka ang mukha ni Hyacinth habang minamasdan itong tumatakbo palayo.

"So..ikaw pala ang girlfriend ni Cody ko.." nangunot ang noo niya nang biglang may nagsalita sa likod niya. Pero hindi niya ito sinagot.

"Hey! I'm talking to you, b?#ch!" galit na nitong sabi.

"Wala sa likod ng ulo ko ang mukha ko kaya wag ka diyan humarap." tugon niya rito.

Kaya pikon na tumalima ito't hinarap siya.

"See? Madali lang, di'ba?" saad ulit niya na ikinagalit nung babae.

Ngunit sa halip na talakan siya'y kinilatis pa siya nito mula ulo hanggang paa. "Maganda ka nga." mataray nitong saad.

"Salamat sa papuri." sagot naman niya.

"I'm not praising you, b?#tch!"

"Edi hindi."

Halatang galit na galit na ito sa kanya. Dinuro siya nito. "Hindi ako makakapayag na agawin mo siya sa'kin!"

She snorted. "Napaka-ambisyosa mo naman para sabihin yan.."

"Hah! Sabihin mo pa yan kapag tapos na akong pahirapan ka.." makahulugan ang ngiting iyon ng babae.

Hanggang sa naramdaman nalang ni Hyacinth na may nakahawak na sa dalawa niyang braso mula sa likod at bahagyang hinila ito paitaas.

"Now..ditch Cody, and i'll spare you." utos nito.

Ngunit ngumiti lang siya. "Do you really think you could scare me with just two, disgusting weaklings of yours?"

Nabigla ito nang magpakita siya ng kawalang-takot sa banta nito ngunit nagmatigas parin ito.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant