Chapter 5

978 30 2
                                    

_____CHAPTER 5_____


    【 CODY 】


Nagising ako na nasa sementadong daanan ang mukha ko. Bumangon ako't tumayo, pero hindi agad ako nakatayo ng tuwid dahil medyo nahihilo pa ako. Sinapo ko ang likod ng ulo ko.

"Ang sakit nu'n ah.."
Hindi ko maiwasang magtiim-bagang sa galit dahil sa ginawa niya sa'kin.

'Ang babaeng yun!!'

"Professor Cody?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may tumawag sa'kin mula sa likuran ko.
Isang estudyante mula sa high school campus ng Moonstone. Titig na titig ito sa'kin, at abot-tenga pa ang ngiti.

"A-ano pong ginagawa n'yo rito, sir? Di'ba dapat nasa kasal kayo ng friend ninyo?"

Nangunot ang noo ko sa batang 'to. Ang tinis magsalita, parang inipit ang lalamunan. At ba't alam niya ang buhay ko?

"Sir..bakit po parang..umiiyak kayo?"

"Huh?" agad ko namang pinahid ang mamasa-masa kong mga mata at pisngi. "I..uh..I was just.." hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. "I...am going to the reception now, bye." tapos ay nilagpasan ko na yung studyante.

Paglabas ko sa back gate ay wala na yung motor niya.
'Bakit ba niya yun ginawa sa'kin? Hindi ko maintindihan.'


*~*~*~*~*~*~*


Buti at nakaabot pa ako sa venue ng reception ng kasal. Kaso nga lang, patapos na yung reception ceremony.
Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay agad kong kinausap si Paul, maging yung iba pang hazzards at humingi ng dispensa sa kanilang lahat.

"Ayos lang yun, Cody." Inakbayan ako ni Paul. "Sinabi na sa'min ni Nash lahat."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, saka tiningnan sila isa-isa, panghuli si Nash at Paul.

'Lokong Nash 'to ah!'

Kumalas sa pagkaka-akbay si Paul. "Sabi niya, nakita mo na raw yung 'girl of your dreams' mo kaya hinabol mo."

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Haynaku, ito talagang si Cody malihim masyado." sabi naman ni Arthur.

"Eh kasi, nilulunok na niya yung mga sinabi niya noon!" sabat naman ni Carlos.

Alin naman kaya du'n?

Nang makita nila ang mukha ko, ay nagtawanan sila.

"Huwag mong sabihing hindi mo naaalala?" tanong ni Arthur.

"Di'ba sabi mo noon, Cody, na 'sabit lang ang mga babae'?" si Milo.

"Oo nga! Pero ngayon, may babae ka na pala! Uuuuy!!" Dagdag naman ni Mike.
At sinimulan na nila akong tuksuhin lahat.

"Congratulations, bro! Ganap ka nang binata!" bunyi ni Milo.

"Kung iisipin, ang sayang ng sampung taon na magpaka-NGSB ka, bro!" si Carlos.

"Kung alam n'yo lang..." tiningnan ko naman ng masama si Nash. Buti at mukhang walang nakarinig sa kanila nung bulong niya sa sarili.

Siniko-siko naman ako ni Paul. "Who's the unlucky 'sabit', huh?" in-emphasize niya talaga yung word na yun sabay nag-hand-qoute pa.

Kaya tinirik ko nalang ang mga mata ko.
'Lagot talaga si Nash sa'kin!'

Buti nalang at hindi pala niya binanggit ang tungkol kay Hyacinth. At buti narin lang na umuwi na si Kylie. Nakita niya rin yung kanina eh.

Nagbuntong-hininga ako at pinatigil sila sa panunukso sa'kin.
"Hindi pa ako sigurado, ok? I mean, hindi pa kami nag-uusap."

Nagtaka naman silang lahat sa sinabi ko.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionWhere stories live. Discover now