Chapter 7

802 24 0
                                    

(A/C:  after weeks and months offline, heto na ulit ako! hahaha...at sa mga nagtatiyagang magbasa po ng kwentong ito, thanks po so much! kahit na hmm..basta..haha..xoxo)

_____CHAPTER 7_____


  【 HYACINTH 】


"Ang tigas talaga ng ulo mo, Hyacinth!" malapit na ako sa location kung nasaan ngayon si Maurice Guillermo nang tawagan ako ng agency. At ayun na nga, galit si Henry nang malaman niyang on the way na ako nung matanggap ko na ang eksaktong lokasyon ngayon ni Guillermo.

"Anong silbi ng pagbibigay n'yo ng lokasyon kung hindi ako kikilos agad?" sagot ko sa reciever ko sa helmet ko.

"It doesn't mean that we sent you the exact location, a-aksyon ka na agad. Wala pa akong binibigay na utos sa'yo!"

"I can do this, sir. Trust me."

"Why are you so eager to finish this mission, huh? You are taking risks, you know that?"

"At least i'm confident."

At natatanaw ko na ang factory.

"Sometimes, you are just, so uncontrollable, agent."

"But definitely good, right?"

"Tss, sana hindi nalang kita pinuri."

Ngumiti nalang ako sa sinabi niyang iyon.

"I'm here." sabi ko nalang kalaunan.

"Ano??" mukhang gulat pa ito sa binalita ko. "Hintayin mo muna ang reinforcements, Cinth. In--"

"Hindi ako makakapaghintay, sir, alam mo yan. Mauuna nalang akong pumasok sa loob."

"But Cinth...." Narinig ko nalang ang pagbuga nito ng hininga mula sa kabilang linya. "Just take care, okay?"

Napangiti ako. "I will."

Ilang metro ang layo mula sa bukana ng factory ay tumigil ako saka pinarada ang motor ko sa isang tagong lugar. Hinubad ko ang helmet ko saka sinuot ang earpiece ko sa tenga.

"Cinth?"

Napangiti ako sa unang boses na narinig ko sa earpiece ko. "Timmy?"

"What's up?"

"Nasa agency ka?" masaya kong tanong sa kanya habang naglalakad na ako papasok doon sa factory.

"Guess again." tila excited pa nitong tugon.

Ngunit hindi ko siya sinagot kaya mukhang napikon siya. "Kainis ka naman eh! Sumama ako sa reinforcement."

"Ano? Hindi ka pa magaling, Timmy."

"Ikaw nalang maging ako, no?" sarkastiko nitong sagot. "Ayos na ako, Cinth. Alangan namang ikaw lang umangkin ng lahat ng responsibilidad sa mundo? I'm your partner, remember?"

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. "Bago pa kayo dumating, tapos ko na ang misyon."

"Aba't--Ang yabang neto.."

"Are you guys quarreling again?" sabat ng isa pang boses.

"Aisha?"

"Hi Cinth! Galingan mo sa huli mong misyon!" cheerful pa nitong sabi.

"Thanks."

"Now I think I know why Hyacinth's so eager and doing this one, fast." boses yun ni Henry.

Parehong natawa sina Timmy at Aisha sa pagsabat nito. Napangiti naman ako.

"Darating ang reinforcements ng agency in one hour, Cinth. Pwede bang hintayin mo nalang sila?"

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionWhere stories live. Discover now