Chapter 10

1K 31 8
                                    

____CHAPTER 10____


"With the power vested upon me, I pronounce you man, and wife.." bumaling yung pari kay Nash.

"You may now kiss your lovely wife." ngiti nitong saad.

Abot-tenga rin ang ngiti ni Nash pagkatapos nung sabihin ng pari. Hinarap niya si Kylie at tinaas ang belo nito sa ulo.

At hinalikan ng buong pagmamahal.

Dahil doon ay nagpalakpakan ang buong crowd. Nagsigawan pa ang mga hazzards sabay-sabay.

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!"

Nagtawanan ang lahat dahil sa kakulitan nila.

Pagkatapos ay nag picture-taking na sila. Mula sa newly weds, picture kasama ng pari, mga magulang, mga ninong at ninang, mga abay, at iba pa.
Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng lahat. Siyempre, may ikinakasal eh.

Pagkatapos ng pictorial ay nagsilabasan na ang mga bisita. Ang bagong kasal naman ay nasa altar parin kasama naman ng ilan sa mga hazzards.

"Napakaganda mo, Kylie!" puri ni Milo sa bride.

Ngumiti naman ito. "Ilang beses ko na bang narinig ang compliment na yan, Milo?"

Tapos ay nagtawanan silang lahat.

"Congrats bro! Kayo rin ang nagka-tuluyan!" sabi naman ni Arthur kay Nash sabay akbay rito.
Namaywang naman si Carlos sabay abot-tengang ngumiti. "This is exactly the example of the famous qoute; 'sa hinaba-haba man ng prusisyon..."

"SA SIMBAHAN RIN ANG TULOY!!" chorus ng lahat saka malutong na nagtawanan.
Nagku-kwentuhan pa ang mga ito nang dumating si Cody na kagagaling lang sa men's room.

"Anong meron dito ha?" ngiti niyang tanong sabay namaywang sa harapan ng mga ito nang makitang nagsasayahan ang mga kaibigan.

"Nothing bro. We're about to talk about you!" pabirong sagot ni Paul sabay akbay sa kanya.
Nangunot naman ang noo niya. "What about me?"

"Duh..ikaw nalang kaya ang hindi pa natatali!!" parang baklang sinabi yun ni Paul kaya nagtawanan ulit ang mga ito.

Tinapunan naman ito ng tingin ni Cody. "Very funny, Paul.."

"Eh, kailan pa kaya matatali ang isang 'to? Eh ni isang girlfriend walang kinu-kwento?!" saad naman ni Milo na tumabi rin sa kanya.

Tumawa ng bahagya si Cody saka sinagot ito. "No worries, my friend. Eventually, may ipapakilala rin ako sa inyo. Maybe in a day or two.."

"Talaga lang ha?" tila diskumpyado pa nitong sabi.

"Eh, baka yung Elizabeth ang ipakilala mo sa'min, Cody? Naku! Child abuse yun!" sabat naman ni Carlos.

"I don't give a damn, not to a desperate brat like her?!"

"O prof, ang puso mo, baka malaglag!"

"Eh kung kutusan kita dyan?"

Nagtatawanan ang lahat nang mapansin ni Nash ang isang babae na naglalakad sa aisle patungo sa kanila. Medyo nakapagtataka kasi ito lang ang naglalakad papasok sa simbahan. At nahihirapan siyang kilalanin ito dahil bukod sa malayo-layo pa ito mula sa kanila ay nilalagpasan rin nito yung mga bisitang palabas na. Pero nakasuot ito ng puting bestida, maputi't mala-porselana ang balat, may mahaba't maitim na buhok, at may dala rin itong regalo. Yung mga bisita ngang nakakasalubong nito'y napapatingin rito.

Ngunit nang tuluyan niyang nakilala yung babae ay napalitan na ng purong pagkagulat at pagkamangha ang mukha niya saka ngiting umiling-iling kalaunan.
Pasimpleng kinalabit niya si Kylie habang busy ito sa pakikipag-tawanan sa mga hazzards.

The Gangster and the Undercover 2: Mission and DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon