Chapter 17.

765K 5.2K 234
                                    

Chapter 17.

Awkward.

Kanina pa nangangawit ang leeg ko dahil kanina pa nakabaling ang ulo ko sa bintana. Parang biglang nagfreeze lahat ng muscles ko at ayaw gumalaw dahil sa katabi ko. Feeling ko magkaka-stiffneck ako nito. 

Oh God, this is so awkward, sa isip isip ko.

I sighed. Dahan dahang akong umayos ng upo. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko sa pagtingin ng binata. Halos wala rin naman akong nakikita dahil umuulan sa labas. Wala pa naman akong dalang payong.

Sa isiping iyon ay bigla kong narealize na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Miguel. Napatingin ako sa tinatahak namin pero wala rin naman akong masyadong makita dahil malakas talaga ang ulan.

At halos malaglag ang panga nang bumaling ako kay Miguel. He... he looked sexy as hell.

Nakabukas ang first two buttons ng damit niya at sumisilip ang matitipuno niyang dibdib. I gulped. Nakatingin lang siya ng diretso sa daan habang nakakakunot ang noo niya at magkasalubong ang kilay. I wonder what's he's thinking.

Parang napasong ibinalik ko ang tingin sa harap. Ano ba 'tong ginagawa ko? I bit my lower lip. Should I talk to him? Thank him, at least? Iniligtas niya ako kay Menandrei. God knows what would happen if hindi dumating si Miguel.

Eh ano namang mangyayari samin ngayon ni Miguel?

I pursed my lips. I looked at him at the corner of my eyes. Ganon pa rin ang puwesto niya. 

"T-thank you.." I muttered, looking down at my hands.

Naramdaman kong bumaling siya sa akin saglit pero hindi siya nagsalita. Napabaling ako sa kanya nang dahil doon. Hindi siya nakatingin sa akin pero hindi na magkasalubong ang kilay niya. But his face was totally blank.

Tinignan ko ang mukha niya, as if searching for answers, answers for questions that I don't even know what. Why is he like that? I pursed my lips again. Tears forming in my eyes. I did this to him. I'm the heartless here. I deserved his cold treatment.

Nag-alis ako ng tingin. Hindi niya dapat akong makitang umiiyak. Ito ang pinili ko, past is past. And Miguel was just a past now.

Romancing The Ice PrinceWhere stories live. Discover now