Chapter 6.

792K 5.7K 146
                                    

Chapter 6.
Angel

Miguel thrusted his hands into his pockets. It was cold that day and the wind was strong, rustling his hair and making him shiver. Pumikit siya at huminga nang malalim.

Mga ganitong panahon ang gustong gusto niya. He love nature. He always find peace and solace. The sound of leaves swaying along the wind was music in his ears.

Kaya naman tumakas muna siya sa barkada dahil gusto niyang mapag-isa at maglakad lakad muna.

It was one of the things he liked about that school, maraming puno at madamo. Para silang nasa loob ng isang gubat na may maayos na daan at mga building. Magkakalayo ang mga gusali doon ngunit kaya naman lakarin.

He didn't mind walking kapag lilipat siya ng klase dahil masarap maglakad lakad doon. Pwera na nga lang kapag nalate na siya. Pagdating niya sa klase ay pawis na pawis at hapung-hapo siya pagkatapos tumakbo.

Naglakad-lakad siya hanggang sa matagpuan niya na lang ang sarili na nasa soccer field. Madalas walang tao doon since that day was a Saturday at maraming course ang free day iyon. Mistulang paraiso iyon kapag ganoon.

Napahinto siya sa paglalakad at napahinga uli nang malalim. Tumingala siya langit. The clouds were there, looking calm. Walang pagbabadya ng ulan. Oh how he love looking at those beauts.

Might as well sleep, sabi niya sa sarili. Ang ingay ng barkada niya at puro chix ang pinag-uusapan. Wala naman siya n'on. There were women, yes, who throw themselves at him and he didn't mind. Ngunit isa siguro siya sa mga lalaking naniniwalang may isang babaeng para sa kanya, na mamahalin niya. Hindi siya ganoon kahilig sa babae hindi katulad ng mga kaibigan niya. Malay ba niya kung biglang sumulpot ang "the one" niya tapos may kasama pa siyang babae? Eh di namiss niya ang chance niya.

Natawa siya nang pagak. Kung maririnig siguro siya nila Andrew ay pinag-aaasar siya ng mga ito. He was not a hopeless romantic but he believes in true love. Sigurado siyang nage-exist iyon. He would just have to wait.

Pumihit siya at naglakad papuntang bleachers. Minsan ay doon niya pinipiling matulog. Walang istorbo.

Saglit lamang na nagulat siya nang may makita siyang tao doon. Bibihira kasi ang may tumatambay doon dahil medyo malayo sa mga building. Ipinagkibit-balikat niya na lang. Okay lang isa lang naman ito. Ayaw lang niya ng maingay.

Tinuloy niyang maglakad patungo sa bleachers. Pupunta na lamang siya sa kabilang dulo dahil nasa kabila naman ito.

Nang makalapit siya ay pinagpagan niya ang bleachers na hihigaan niya. He sat on it. Pagkuwan ay humiga na siya doon at itinakip ang braso niya sa mukha. Mamaya pa naman ang susunod na subject niya pwede pa siyang matulog kahit isang oras.

Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang umiidlip nang biglang makarinig siya ng sigaw at napaigtad siya.

Gulat na napatingin siya sa pinanggalin niyon. It was the person sitting at the opposite end of the field. He squinted. Nakita niya na mahaba ang buhok nito. He realized it was a girl. Ang ingay naman nito!

Hindi ata siya nito nakita kaya napasigaw nang ganoon. He sighed. Bumalik siya sa puwesto at tinangkang makatulog uli.

"Ugh!" rinig uli niya. Galing dito uli. Pagkatapos ay umungol ito na parang nagtatantrums o umiiyak.

Naiinis na napatayo siya. Aalis na dapat siya para humanap ng ibang puwestong hindi niya maririnig ito nang biglang sa sa hindi malamang dahilan ay nag-iba siya ng direksyon.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon