Chapter 33.

617K 9.8K 3.3K
                                    

Chapter 33.

Nag-iba ng brand

"Okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Shara. Napansin niya sigurong napapahinto ako at pumipikit ng mariin. Kasalukuyan kaming naghahanda sa office para sa presentation mamaya. Kami na lang ang naiwan ditto dahil ang iba ay lumabas muna upang magbreak.

Tumango lamang ako at pilit na ngumiti. Bakit ngayon pa?

She frowned na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. "Are you nervous?" she asked.

"Medyo," sabi ko na lang para hindi na siya magtanong pa.

She then smiled at me encouragingly. "Kaya mo 'yan! Nandun lang naman kami sa gilid eh. Tsaka binigyan ka na ni Alex ng kanyang power kiss!" bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. "Tsaka, inspired ka naman eh," she teased while nudging my elbow.

Napakunot-noo ako. "Huh?" wika ko na biglang kinabahan dahil parang may iba siyang ibig sabihin.

She rolled her eyes. "Jeez, akala mo hindi ko alam?" naniningkit ang mga matang tanong niya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya. Shit. Anong alam niya?

Napahalakhak naman siya sa reaksiyon ko pagkatapos ay napaingos siya. "Naku, hindi porke't gwapo yung ex mo ha!" Humalikhip pa siya.

Sinong ex, please?

"Sino?" tanong ko at nagpapanic na naman ang sistema ko.

Napangiti siya ng mapanukso. "Wow, nag-Rejoice? Haba ng hair mo, girl! Madami bang ex?" wika niya sabay tawa.

Inis na kinutusan ko siya. "Tinatanong kita ng maayos ha" Sorry, ganito talaga kapag meron. Oo, time of the month, isa pang nakapagkumpira ng resulta ay nang magkaroon ako kaninang umaga. Dapat natutuwa ako dahil magiging kumplikado lang ang lahat kung magkaroon pa ng bata sa tiyan ko. Pero siguro, at the back of my mind, na-embrace ko na yung fact na may isa pang anghel sa buhay ko maliban kay Alex, sa maikling panahon na iyon.

"Aray naman. Sadista ka ah! Eh sino pa ba? Meron ba akong ibang alam? Eh di yung Carlos Vis... vis... vischuchu?" aniya.

"Visamore," gagad ko sa sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung sino ex. Malay ko naman kung nalaman niya ang nakaraan namin ni Miguel no!

"Right! Visamore. Hihi. Ang gwapong nilalang! Oh ano, kayo na ba uli?" tanong niya habang tumataas-baba ang kilay.

I frowned. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"

"What? Eh sa gwapo eh?" she said and squealed.

I rolled my eyes. Then naramdaman ko na naman ang iniinda kong sakit kanina pa at napakislot ako. Napangiti ako ng pilit ng wala sa oras. Baka mahalata na naman ni Shara. Nag-excuse ako na pupunta muna ng restroom. She nodded so I grabbed my bag at lumabas.

Nang makapasok na ako ng CR ay napasandal ako sa dingding at napapikit ng mariin. Bakit ngayon pa?! Baka hindi ako makapagpresent! Napaungol ako ng maramdaman ko na naman ang pagbigat ng puson ko. Pinagpapawisan na ako ng malapot. Maswerte pa nga at hindi ko pa nararamdaman ang nausea. Pero nakakaramdam na ako ng slight na hilo. Matagal na mula nang maranasan ko ang Dysmenorrhea.

Noon iyon dahil irregular o late ako. Pero nang mabuntis ako kay Alex ay naging regular na ako. Ngunit ngayon ay late ako, kaya siguro ang bigat bigat sa puson ko. Shit, ilang ras ba itatagal nito? Wala pa naman akong dalang gamot para dito at 30 minutes na lang presentation na!

"Oh? What's with the drama?" someone snapped.

Napaayos ako ng tayo nang marinig ko iyon. Nakita ko si Bernice na nasa tapat ng salamin. She was smirking.

Romancing The Ice PrinceWhere stories live. Discover now