Chapter 18.

794K 6K 646
                                    

Chapter 18.

Spiderman

"Ma'am, ano ho ang maitutulong ko?"

Mula sa pagmimix ng mga ingredients ay napatingin ako kay Dina. Nagb-bake ako ng brownies ng mga oras na iyon. Maraming nahihiwagaan dahil marunong akong magbake, ngunit hindi ako marunong magluto. Hindi ko rin alam kung bakit.

I smiled at her at binalik ang tingin sa ginagawa ko. "Okay na, Dina. Ako na dito. Pakisamahan na lang si Alex d'on sa sala."

"Ah ate, tulung na lang po ako dito," may-punto't alanganing tugod niya, pronouncing "Ate" as "Ati."

Napakunot ang noo ko at napatingin uli ako sa kanya. Napakamot ito ng ulo at medyo nakangiwi. Mukha siyang tipikal na Pinay. Maganda't morena. Medyo maliit. Sayang nga lang at hindi ito nakataposbng pag-aaral.

Weekend, gaya ng pangako ko kay Alex, magbabonding kami. Si Dina ay ipinadala ni Mama na pinadala ni para samahan si Alex dito sa Manila dahil nagkaroon daw ng emergency at kailangan ito.

"Why? Is there anything wro--Ah, ang ibig kong sabihin, may problema ba?" naalala kong hindi ganoong nakakaintindi ng Ingles si Dina dahil hanggang 2nd year high school lang ang natapos niya.

"Eh ate kasi, kahit po ang gwapu gwapu ng anak nyo, hindi ko po kayang makipag-osap sa batang 'yon."

"Ha? May ginawa ba si Alex sa'yo?" nagtatakang tanong ko. But I know Alex, he would never do such things. Isa iyon sa ipinagpapasalamat ko sa Diyos, hindi ito katulad ng ibang bata na pasaway at matigas ang ulo. Mabait ito sa mga nagiging yaya nito.

"Wala po ate. Genyus po kasi masyado ang anak ninyu. Tuwing makikipaglaro ako sa kanya, hindi ko po maintendihan yung irplayns teyrms nya, nakaka nus blid po!"

I chuckled. "Pasensya na, ganyan talaga ang batang yan. Mana sa ama niya." huli na para pigilan ko ang bibig ko. Nabanggit ko na. Sana lang hindi na niya usisain.

Tumabi siya sa akin. "Ate, hindi ninyu po kamukha si Alex." she said, pronouncing Alex as "Aleyks"

Natawa ako. Parang gusto kong mainsulto pero inosente naman ang pagkakasabi niya noon at walang halong panunuya. Aminado rin naman ako. Hindi kami ang magkamukha. Sila.

I smiled weakly.

"Ate, nasan po ba ang ama niya?"

Hindi naman sinabi ni Mama na tsismosa rin pala ang isang 'to. "Pakiabot naman yung chocolate dun," pag-iiba ko ng usapan.

Inabot naman niya. "Pero ate ha, kamukha ni Alex yung kras ko," kinikilig na sabi niya, giggling like a freaking elementary student.

I smiled. "Sino? Si Ian Somerhalder?" I joked. Oh God, that sexy vampire.

Nalukot ang mukha nito. "Ano ka ba ate! Seno 'yon? Iyen ano? Sarmeyrhadir? Bantot naman ng pangalan!"

Ngayon, kahit pa inosente niyang sabi iyon ay parang gusto ko siyang ingudngod sa hinahalo ko. Aba, echosera!

"Eym tuking the mowdel abawt!!" she said in carabao English na parang taga-ibang planeta ako dahil hindi ko alam kung sino o ano ang sinasabi niya.

"Talaga? E di maganda, pwedeng model ang anak ko," nasabi ko na lamang. Tinikman ko ang ginagawa ko pagkatapos ay dinagdagan ng sugar 'yon.

Parang kiniliti na mangisay-ngisay sa kilig si Dina. Hinampas pa ang braso ko. Aba! Close? Makapalo?

"Yiiii! Ate!! Ang gwapu gwapu n'on. Tyaka yung mga kasama neya den! Hawt! Yum! Yum! Ate! Ang sarap magparareyp!" At mahalay din!

Romancing The Ice PrinceWhere stories live. Discover now