Chapter 20.

797K 6.1K 471
                                    

Chapter 20
Vladimir

As soon as he captured my mouth, I gasped. Sparks fly. I felt him smile and he used it as an oppurtunity to plunge his tongue into my mouth, and deepen the kiss. It was rough, demanding and punishing yet.. sweet and intoxicating

Nanatiling nakadilat ang nanlalaki kong mata and I was frozen still, in a state of shock. I wanted to protest, to shove him away or slap him but part of me wanted this and my body longed for this.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa mga nakalipas na taon ay walang lalaking nakapasok sa buhay ko o sa pamilyar na sensasyon na naidudulot ng halik na ito sa katawan ko.

Hindi sa walang nagtangka pero sa tuwing may lalaking lumalapit sa akin ay lagi kong naaalala ang mga bughaw na mata, na sa kasalukuyan ay nakatingin sa akin.

I felt all the hesitations and protests inside me, died under his cold aqua gaze. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa mga titig na iyon.

I decided to close my eyes and move my lips, finally answering his kisses. Biglang bumagal ang halik, na para bang ninanamnam ang tamis sa bawat segundo. Oh God.

The kiss continued, making me forget everything at para bang wala nang ibang mahalagang bagay sa mundo kung hindi ang mga oras na ito. He tightened his grip on my waist, pulling me closer to him. Naramdaman ko ang matigas niyang dibdib pressed against mine at tumayo ata ang lahat ng balahibo ko.

Just when I'm about to latch my hand onto his neck, tumigil siya at inilayo ang mukha niya mula sa akin.

Napadilat ako bigla. He was staring at me, panting slightly. Nakikita ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Bumaba ang tingin niya sa labi kong nakaawang.

Napasinghap ako nang makita kong nagbago ang tingin niya. There was confusion, regret and lust in his eyes before he masked it with his usual cold gaze.

I bit my lips. Regret? I felt another pang of pain inside me.

Kumalas ako sa pagkakahawak niya and fortunately, he let me. I gritted my teeth, not wanting to shed a tear.

Nahiya ako sa sarili ko. He kissed me, alright. Pero hindi ibig sabihin niyon ay susuko na ako doon. And God, the kiss was supposed to be a punishment!



Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. There was a distant look on his face. Sinubukan ko ring gayahin ang ekspresyon niya, Ipapakita kong hindi ako apektado.


Nagsukatan kami ng tingin. I was determined to match his challenging look nang biglang may kumatok. Napaigtad ako at napaiwas ng tingin. Naramdaman kong tumalikod siya at lumakad papunta sa puwesto niya kanina.

"I'm not going to apologize for what I did," he said, coldly.

Napatingin ako sa kanya. Nakatalikod siya mula sa akin. Napakuyom ako ng kamao. "So I heard," pagsagot ko sa kanya.

"S-sir?" boses ni Monica mula sa pinto.

"What?" he snapped. "I told you, no disturbance!"







Napaigtad ang babae and paled. "Uh--uhmm.. M.A. Sorry but it's about Miss Yesha."

Unti-unting humarap si Miguel. "Come in" Napakunot-noo ako.

Bumakas ng dahan dahan ang pinto. I saw Monica biting her lips. I sighed. I turned to Miguel. "If you don't mind, I'm going to leave now. Excuse me," mariing sabi ko at naglakad papuntang pinto.

Mukhang nagulat si Monica sa inasta ko dahil nanlalaki ang mga mata niya at mukhang hindi makapaniwala that I snapped at her boss.

"Maria Rein, stop" boomed his voice.

Romancing The Ice PrinceWhere stories live. Discover now