Chapter 23.

827K 7.7K 1K
                                    

Chapter 23

Last Night.

Kumakabog ng malakas sa dibdib ko habang bumababa ng hagdanan. Fortunately for me, it was long enough pero hindi para namnamin ko ang bawat pagtapak sa magandang mediterranean staircase na iyon kundi patagalin ang oras, wishing na pagdating ko sa dulo, tapos na ang breakfast but obviously,.. that's impossible.

Kung hindi lang nakakahiya sa imbitasyon ni Aram na magbreakfast ay magpapadala na lang ako sa loob ng kwarto ng pagkain.

Hindi ko kayang makaharap si Miguel.

Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Ang isang gabing kahibangan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kanya.

I mean, ano na lang iisipin niya? I was supposed to be avoiding him. He hated me, right? It was like giving him the right to do whatever revenge he want.

Pero ang nagpagulo sa isip ko ay ang sinabi niya, "because damn it, i'll do it just take me back" Anong ibig niyang sabihin? Mahal pa ba niya ako? I snorted. That was impossible..

He already declared his hate to me tapos all of a sudden he wants me? I was the one who broke his heart. I should suffer.

At eto na 'yun. Mahal ko siya. That was a punishment already.

"You're taking so much time, bababa ka lang ng hagdanan." biglang nagsitindigan lahat ng balahibo ko sa malamig na boses na iyon na parang dumimina sa buong paligid. Napahinto ako sa kaba.

Shit. Diba dapat nandoon na siya sa dining? Bakit nandito pa siya? Tanga ko talaga! Kung alam ko lang eh di sana kanina pa ako nagmadaling pumunta doon!

Napagakat-labi muna ako bago nagsalita, "Eh bakit kasi hindi ka na lang bumaba agad? Ang lawak naman ng hagdanan?" may halong inis ang tono ko dahil sa pilit kong itinago ang panginginig ng kalamnan ko. Nagulat din ako sa sinabi ko pero huli na para bawiin ko.

"Tss." I heard him say.  Napaigtad ako ng kaunti dahil hindi niya ugali ang mag-"tss", lalo na ang Miguel ngayon.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon