Chapter 32.

609K 7.1K 1K
                                    

Chapter 32.

Treasure.

 

“Mommy, I miss school,” anang nakaungot na boses ni Alex. Nang tignan ko siya mula sa ginagawa kong email ay nakita kong naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa carpeted floor ng kwarto ko while his mouth was pouting. Nakaupo siya sa kama. We were sort of having our bonding time nang magtext sa’kin si Brooklyn, isa sa members ng team, at may ipinapa-email na papers para sa presentation. Kaya naman sumaglit muna ako sa computer at hinayaan munang magpahinga saglit si Alex.

I smiled at myself at bumaling sa ginagawa ko. I pressed “send”, logged out then pinatay ko ang computer. Nang tumayo ako at muling bumaling kay Alex ay gano’n pa rin ang puwesto niya.

Lumakad ako papalapit sa kanya at lumuhod sa harap niya upang magpantay ang aming mga mata. I held his hands at inilagay iyon sa magkabilang kong pisngi. “Really, baby?” tanong ko.

Tumingin siya sa mga mata ko at tumango. “Yes, baka po marami na po akong namimiss na lesson,” aniya sa nanghihinayang na boses.

Natawa ako. “You miss school because of that? Hindi mo ba namimiss ang friends mo?” I teased. Sa tingin ko naman ay nakabuti sa kanya ang program ng school para sa mga batang katulad niya. Parang natanggap ko na rin na iba talaga ang IQ ni Alex sa ibang bata. Nagwoworry lang ako na baka pagdating niya ng high school ay baka maging komplikado dahil masyadong advanced ang nalalaman niya kumpara sa ibang populasyon ng mga kaedad niya. Baka rin makaapekto sa social life niya ito.

“Hmm...” he hummed at tumingin sa taas na wari’y nag-iisip. Then he glanced back at me. “A bit,” he admitted. “They’re great, Mommy. But no one’s really into planes like me so mas gusto ko pa rin po kay Kuya Boom,” he said na ang tinutukoy ay ang kapit-bahay namin.

“Baby, they don’t have to like planes bago mo sila kaibiganin,” I reprimanded pero nakangiti pa rin ako. Hindi ko naman maipipilit sa kanya. May pagkasuplado rin itong bata na ‘to. May pinagmanahan eh.

 

I ignored my subconscious mind.

“I know, Mommy. I love them naman but—“ he sighed heavily. “I miss school”

Natawa na lamang uli ako at binitawan ang kamay niya. I ruffled his hair. “Ayan… kasi kumain ng fish,” I joked.

He groaned and crossed his arms over his chest. “I didn’t know, Mommy. First time ko lang po kumain ng fish, remember? Papsi doesn’t like fish. He said they’re too malansa,” he said and shivered. Napatingin siya sa braso niya na kung saan tumubo ang mga pantal ngunit pawala na ang mga iyon, halos hindi na rin makita. I smiled.

It was true. Hindi gusto ni Dad ng isda kaya siguro hindi namin nalaman nang maaga ang tungkol sa allergy ni Alex nang mas maaga dahil hindi naman iyon inihahain dito. He wasn’t allergic, hindi niya lang talaga gusto ng isda.

Umupo ako sa tabi niya sa kama at binuhat siya upang makaupo siya lap ko. I hugged him from behind at ipinatong ang mukha ko sa kanang balikat niya.

Romancing The Ice PrinceWhere stories live. Discover now