I KNEW HE WAS TROUBLE

26.2K 451 48
                                    

Hooked na hooked si Nadine sa online novels mula sa mga free online reading websites. Kahit nabasa na niya sa Internet ang mga iyon ay sadyang binibili pa rin niya ang mga nobelang iyon kapag na-publish na bilang libro. Gustung-gusto niya kapag napapakilig siya ng teenage novels na nababasa niya. Hopeless romantic kasi siya. In fact, araw-araw ay nangangarap siya na mangyayari sa kanya ang isa sa love stories na binabasa niya. Ang sarap sigurong maging bida sa mga nobelang gaya niyon. Lalo na kung isang guwapong gangster na nauusong gawing hero ng mga nobelang nababasa niya.

Enter Calix Roque—ang walang kasing samang campus bully sa St. Catherine High School at lider ng isang teen gang. Kapag kinanti mo ang lalaki ay pilik-mata mo lang ang walang latay. Pero in fairness, cute si Calix. Hindi niya inaasahan pero na-turn on siya rito. Dahil siguro sa sobrang pagka-hook niya sa mga gangster love stories sa online reading sites.

Kaya nakagawa siya ng isang desisyon. Paiibigin niya si Calix at gagawa siya ng sarili niyang real-life gangster love story! Eh, umubra kaya ang plano niya kay Calix kung mukhang walang gustong gawin ang gangster na iyon kundi ang pandilatan, takutin at pagkatuwaan siya?

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Where stories live. Discover now