Introduction

410 0 0
                                    

Paano ba ang maging bayani?

Ito ba yung kagaya ng mga sinaunang panahon na gumagamit ng mga sandatang hinahasa o patusok upang ipagtanggol ang mga naaapi? Ito ba yung kagaya ng mga nagsusulat lamang gamit ang pluma upang ihayag ang saloobin ng mamamayan? Ito ba yung magaling magsalita... nagtuturo ng dapat at hindi dapat... may pinag-aralan... nagtatrabaho sa malayong lugar... may tapang... may bokasyon... at dignidad upang lumusob sa mga kalaban? O ang bigyan ng importansiya at kabuluhan ang bayan?

Kahit sino maaaring maging bayani... Kagaya na lamang ng anim na magkakaibigan na ating matutunghayan sa kuwento. Pinagbuklod ng isang pagtitipon sa kanilang eskuwelahan hanggang sa makasaksi ng isang plano ng panggugulo sa kanilang buong bayan. Wala silang superpawerz pero taglay nila ang abilidad ng pagiging eksadz sa pagharap sa kanilang mga magiging katunggali.

Isang 'simple girl' na pa-tweetums ang dating, isang 'hunk-able teen' na nagtuturo rin ng bibliya sa lahat, isang 'director-to-be' at magaling sa drama, isang 'brainy student' na mahusay sa History, ang 'sensible dancer' na pang-Miss Universe din ang lakad at isang 'rock songs addict' na pagdating sa mga moves na arnis ay yakang-yaka naman! Idagdag pa ang limpak-limpak na kalokohang dala nila sa pagdating ng panahon... Ha ha ha ha ha! Blurrp! Nabilaukan natuloy ako, Pahinging tubig!



"Ang susunod na mababasa ay hindi gamot at hindi dapat gamiting panggamot sa anumang uri ng sakit"



EksadZWhere stories live. Discover now