EKSADZ 9

277 1 0
                                    

Malinis na malinis ang buong paligid. Ang mga janitor ng eskuwelahan ay sobrang inaasikaso ang ilang pagtatanggal ng mga nakahambalang sa daanang corridor pati na rin ang ilang mga nagbabara ng daanan ng tubig sa mga estero ng paaralan. Ang mga guro ay naglaan na rin ng kaukulang oras sa kani-kanilang tinuturuan upang kahit papaano ay makatulong sa pagsasaayos ng ilang mga makakalat na lugar sa kani-kanilang puwesto.




Ang hapon ay ginamit na rin ng ilang mga kasapi ng mga piling organisasyon sa loob ng paaralan upang makapaglinis-linis ng ilang kalat at agiw sa loob ng kani-kanilang mga opisina maging ang mga lumang mga kagamitang puwede pang pakinabangan at ipakilo sa junkshop ay kanila na ring pinagtulungang isalansan. Sa unang pagbisita ng Provincial High School Director ng personal sa kanilang eskuwelahan ay umaasa ang lahat na makakatanggap sila ng magandang balita na kanilang pakaiingatan sa tanang mga buhay ng mga bumubuo sa mataas na paaralan... sa isang bagong simula nila at pagbangon mula sa nakakasuklam na kontrobersiya.




Sa pagpapalit ng araw, ang unang tinamaan ng liwanag ng Haring Araw sa silangan ay ang tuktok ng kanilang flagpole. Unti-unti na ring nagsipagpasukan ang marami nang buksan na ng buong giliw ng mga guwardiya ang gate para sa lahat. Ang mga kabilang na nagsasanay sa asignaturang 'Citizenship Advancement Training' ay naghanda na rin ng kanilang drill para sa parating na bisita. Ang pagpupulungang lugar sa loob ng Administration Building ay panandaliang nilagyan ng spray para makaiwas sa lumalaganap na sakit mula sa mga mapanganib na insekto partikular na ang lamok. May mga maaga ring nagsipagpasok na mula sa 'Student Government' upang makapagpalit ng mga ipapaskil sa Bulletin Board at ang ilan namang mula sa 'Student Publication' ay pininturahan na rin ang kanilang FREEDOM WALL upang tuluyan nang maitago ang mga pinagsusulat na love messages ng mga estudyante...mga mura... mga drowing na malalaswa... at ang ilang dura na nagsipagdikitan mula sa mga walang habas na indibidwal. Kasabay ng tuluyang paglilinis sa hagdan papasok ng 'Administration Building' ay siyang paglalatag na rin ng red carpet ng mga piling mag-aaral na Sophomores na pagkatapos iwan ay kasama ang mga panalanging magiging maganda ang resulta ng buong araw para sa Don Narciso High School.

Dahil sa pagod, lantarang nakatulog na lulan ng airconditioned na bus habang nakaupo ilang pulgada mula sa nagmamaneho ang babaeng may katandaan na katabi ang isang handbag at nakatakip sa ulo ang hat na imported. Naka-casual dress ito. Habang may panaka-nakang paghilik ay mayroon siyang maaalala sa panaginip:




"Ah... Sure! No problem!", wika ng kaibigan, "Kung ano ang desisyon mo, igagalang ko naman! Keri pa naman nilang mag-assign ng iba pa para sa posisyon eh!"

"Okay!", banggit niya at biglang titindig, "Payag na ako!"

"Huwaaaw! Ang bilis mo namang mag-isip... Thanks Dianne!!!", wika ng kaibigan sa kanya, "The Provincial Director will visit the said school tomorrow! If you want to, puwede ka nang pumunta dun bukas para makapag-sign of agreement na kayo!"

"Alrighty...", masayang banggit niya, "This is a stepping up level for my profession din naman! Tara! Libre kita ng lunch to celebrate!"

Patuloy ang panaginip ng may katandaan nang babae hanggang sa may tumapik na sa kaniyang kundoktor at siya ay gigisingin.



"Ma'am... Gising na po! Malapit na po tayo sa Walter Dasma!", sambit ng kundoktor sa unti-unting dumidilat na pasahero. Sa tuluyang pagbukas ng mga mata nito ay makikita niya ang isang napaka-guwapong fictional character na kaniyang kinahuhumalingan noong siya ay nanirahan sa ibang bansa. Matangos ang mga ilong nito... maputi ang pagmumukha... mapungay ang mga mata at pansin ang peklat na kidlat sa kaniyang noo.

EksadZWhere stories live. Discover now