EKSADZ 1

422 0 0
                                    

Nakakabulahaw ang nauulinigang tugtog sa may bahay na bato na sira pa ang bakod. Ang alingawngaw nito ay umaabot sa kabilang bahay sa may kanto na nahihirapang magpatulog ng kaniyang sanggol habang nakahiga sa isang duyan ang sanggol. Lampas na ng tanghaling tapat at sa pag-init ng ulo ng ina ng sanggol na may katabaan ay susugod siya sa bahay na bato at dadakot din ng ilang batong graba sa katabing lote upang itapon sa itaas na bubungan ng nagpapatugtog.

"Hoooy! Kung ayaw niyong matulog diyan sa bahay ninyo eh magpatulog naman kayo ng mga kapitbahay ninyo!", sigaw ng matabang babae, "Aba nakakaperwisyo na kayo ah! Hindi tuloy makapagpahinga ng maayos yung anak ko sa mga pinaggagagawa ninyo eh! Mga walang respeto sa kapitbahay!!!"

Matutunugan ito ng ibang mga kapitbahay at tambay sa paligid nang may biglang magbukas ng pinto sa bahay na bato at lalantad ang isang tinedyer.

"Aba! Mabuti at nagpakita ka!", maangas na sambit ng matabang babae at lalapit siya sa tinedyer na wala pa sa disiotso na anyos. Itataas ng tinedyer ang kaniyang kamao... akmang igigilid sa pagmumukha ng matabang babae hanggang ituro nito ng kanan niyang kamay ang kuntador ng kuryente ng kanilang bahay.

"Nakikita mo ba yun?!", malalim na boses ng tinedyer at susundan ng tingin ng matabang babae ang hintuturo ng tinedyer

"Oo... kuntador niyo!", sambit ng mataba at papansinin ang ipinakita sa kaniya,"Nakabaligtad! Uhh... Nakabaligtad?!?!"

"Oo ate... Nakabaligtad!", pagsang-ayon ng tinedyer, "As in U-P-R-I-G-H-T! Nakabaligtad! So... papaano kaya kami makakapatugtog ng malakas kung wala kaming kuryente ah???"

"Wala kayong kuryente?!", nagtatakang sambit ng matabang babae, "Kasama pala kayo kaninang umaga na pinutulan ng MeRaLCo! Ay sorry..."

"Sugod ka ng sugod dito na hindi mo muna inaalam yung totoong nangyayari!!!", may banas na sabi ng tinedyer at ipapakita pa ang loob ng kanilang bahay, "Tingnan mo oh! Ang dilim sa loob ng bahay namin! Kanina gusto ko sana matulog pero dahil sa naiingayan din ako eh naglinis na lang ako ng kuwarto ko sa second floor hanggang sa dumating ka nga at nag-e-eskandalo rito!"

Patuloy pa rin ang ingay na naririnig sa paligid hanggang usisain ng matabang babae ang pinanggagalingan ng tugtog.

"Eh saan ba kasi nanggagaling yung tugtog na iyan?!", tanong ng mataba

"Ayun oh!", malalim na boses na sabi ng tinedyer hanggang ituro nito ng kaliwa niyang kamay ang katabing covered court na isang metro lamang ang layo mula sa bahay na bato. Hindi kasi pansin ang covered court mula sa daanan dahil natatakpan din ito ng ilang poste at establisimiyento.

"Hah???", luwang matang sambit ng mataba at gigilid upang makita nga ang mga speaker na nagpapadagundong sa court, "Pap... paanong?"

"Birthday nung bunsong anak ni Kap ngayon!", paliwanag ng tinedyer sa nakangangang matabang babae

"In-invite nga kami rito eh! Biglaan lang din kasi nagkulang ata budget nila para makapag-Max's Restaurant sa dami ng dadalo kaya diyan na lang nila idinaos!", mas kalmadong wika ng tinedyer sa nakangangang babae,"Yung mga speaker na iyan! Hiniram yan ni Kap kanina sa amin bago kami putulan ng ilaw kaya napaka-imposible talagang makapagpatugtog kami ng malakas dito sa bahay nuh! Tsaka hindi mga ganyan ang tipo kong tugtog! (maririnig ang pagpalit ng CD na pang-curacha naman) Mga Linkin Park at Westlife ang mga trip ko rito teh!"

Nakanganga pa rin ang matabang babae na yinuyugyog ng tinedyer sa tabi. Magsasalita muli ang tinedyer, "Ate... Ate okay ka lang?"

Maya-maya ay may malaking bangaw ang lilipad-lipad sa ulo ng matabang babae hanggang sumakto ito sa loob ng kaniyang bunganga at biglang ngunguyain.

EksadZWhere stories live. Discover now