EKSADZ 10

246 0 0
                                    

May bago na ngang talagang mamumuno sa mataas na paaralan ng Don Narciso. Ang lahat ay malaki ang pag-asa at pagtitiwala na masosolusyunan nito ang nasirang kredibilidad ng buong eskuwelahan mula sa dating namuno rito. Namuo rin ang galak at pananabik sa mukha ng nakararami lalo pa't ang ipapalit sa puwesto ng dati nilang punungguro ay isa ring nakapahusay na nagtapos sa nasabing paaralan.






"Good Luck... Dianne!", sambit ng Provincial High School Director sa matandang babaeng naka-hat at casual dress na kasabay nyang lumabas ng Administration Building

"Maraming Salamat ulit... Sir!", tugon ng matandang babaeng naka-hat at casual dress na kasabay na si Dianne sa kausap

"Eto naman... Stephen na lang!", sambit ng direktor, "Parang hindi naman tayo magkaklase sa La Salle noong nagma-masteral tayo!"

"Ay...", marahang wika ni Dianne at tila may aalalahanin, "Oo nga... kaya pala parang namumukhaan kita Stephen..."

"Haha!", pahalakhak na sambit ng direktor at sesenyas sa kaniyang drayber na ihanda na ang sasakyang paalis, "Guwapo pa rin ba?"

"Hmmm...", wika ni Dianne at iimbestigahan ang mukha ng matandang lalaki, "Ayos lang... bukod sa natanggal na pigsa sa tabi ng noseline mo!"

"Oh... haha! Natatandaan mo pa pala iyon!", sambit ng direktor

"Siyempre nuh! Ikaw nga yung laging pinapansin noon ng teacher nating Ilokano eh!", wika ni Dianne at mapapansin ang ilang mga estudyanteng abala sa hindi kalayuan, "Sayang lang at pagkatapos nating magsipag-gradweyt sa Masteral eh wala na akong balitang nagpatuloy kang mag-duktor"

"Maaga akong nag-asawa!", sambit ni Stephen

"Woah! Nagkatuluyan kayo nung kaklase nating ka-Mutual Understanding mo na si Solliel Vianca?", tanong ni Dianne

"Yun nga ang masama eh! Plano ko na sanang mag-propose sa kaniya noon nang biglang tumawag yung nakarelasyon kong anak ng pulis tapos kinumpirma niya sa aking magkakaanak na raw kami kaya ayun! Naudlot at nagpatali agad sa babaeng yun"

"Ah... natakot ka rin ba kasi anak yun ng pulis?", tanong ni Dianne

"Hindi naman...", sambit ni Stephen, "Pero dun sa kuya niyang black belter sa Taekwondo? Dun! Natakot ako!"

"Oh my... Pang-Maalaala Mo Kaya pala iyang istorya mo!", wika ni Dianne

"Malapit na Dianne!", sambit ni Stephen sa kausap, "Tinatapos ko lang yung Chapter 569th ng sulat ko kay Ma'am Charo bago ko ipasa sa e-mail!"

"Aba... matindeh!", wika ni Dianne at may kakalikutin sa kaniyang handbag, "But now... akalain mong ikaw ang ma-aapoint na magiging Provincial Director!"

"Oo nga... Oh siya! Iiwan na kita rito for your first day as High School Principal!", sambit ni Stephen at sa paglapit pa nila ni Dianne sa sasakyang dalang direktor ay bubuksan nito ang pintuan at bago pa man makapasok sa sasakyan ang direktor ay makikita niya ang suot ng bagong luklok na principal, "Handa ka na bang talaga?!"

"Huh?!", wika ni Dianne at dahil sa pagtingin sa kaniya ng direktor ay agad niyang huhubarin sa harapan ng direktor ang mga suot na casual dress.





Walang anu-ano'y matitira na lamang ang panty at bra ng matandang babaeng nakasuot pa rin ang hat na makapag-papanlulumo sa mga mata ng direktor hanggang takpan ng direktor ang mga mata nito habang nakaharap sa principal. Kukunin ni Dianne ang pang-pununggurong unipormeng itinago sa handbag at ibibihis ng paspas sa harapan ng direktor.

"Tsaran! Okay na ba Sir? Este... Stephen", bungad ni Dianne pagkatapos makapagbihis na magpapaalis ng mga takip na kamay sa mga mata ng direktor at kalmadong magsasalita muli



"Amazing!", sambit ng direktor pagkatapos pansinin si Dianne hanggang sa tuluyan na itong pumasok sa loob ng sasakyan malapit sa kaniyang drayber. Ibababa pa nito ang bintana upang may ipahabol na sabihin kay Dianne, "Ikumusta mo na lang din ako sa bestfriend mong si Nymfa ah! Nabasa ko yun sa isa pang wattpad story ni Benj na 'Ning Kalibutan' eh! Ingats!"



"Hi hi... Sige Stephen... Ingat ka rin!", hiyaw ni Dianne sa direktor hanggang paandarin na nga ng drayber ang sasakyan at ang may kaitimang kulay ng usok mula sa tambutso ay kakalat sa pagmumukha ni Dianne. Mapapaubo si Dianne at kukunin ang maliit na salamin sa kaniyang handbag upang i-tsek ang kalagayan ng kaniyang mukha.


HUWAAAAH! 




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ITUTULOY

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Feel Free to add comments, votes and suggestions!


"Kung nabibilaukan man, ang susunod na mababasa ay hindi gamot at hindi dapat gamiting panggamot sa anumang uri ng sakit"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EksadZWhere stories live. Discover now