EKSADZ 6

171 0 0
                                    

Sa Canteen. Bagong pintura ang labas nito na kulay berde bilang bahagi ng adbokasiya ng paaralan laban sa Greenhouse Effect. Nagsisimula na ring sumibol ng mga bagong bulaklak ng mga halaman na itinanim sa may labasan nito upang lalong maglaan ng napaka-preskong awra sa madlang people at dabarkads. Marami pa ang dadagsa na gustong kumain ng pananghalian sa loob ng kantina ng DNHS. May kaingayan at habang nasa pilahan ang ilang mga nakaunipormeng estudyante ay biglang may sisingit na estudyanteng pandak na girl alalay ang isa pang lalaking pa-girl at mapupunta sa unahan ng pila kausap ang nagse-serve ng foods.



"Ate... pabili nga pong...", maangas na banggit ng pandak sa serbidora at aalma ang ilang mga nangangatog na ang mga tuhod sa pila

HOY! PASINTABI NAMAN OH! BAWAL SINGIT!

"Hoy din kayo!", mas maangas na banggit ng pandak, "Hindi naman ako sumisingit ah! Tsaka nagpa-reserve na talaga ako ng pila kanina pang umaga rito!"

"Kahit na...", sabat ng isang lalaking estudyanteng naka-maroon na bag sa pila, "Tsaka pare-parehas naman tayong nagugutom dito ah! Dapat first come... first serve!"

TAMA!!! HINDI DAPAT GANUN! NASAAN ANG HUSTISYA?! KATARUNGAN PARA KAY KA DENCIO! KATARUNGAN PARA KAY ELSA DROGA! KATARUNGAN!!! KATARUNGAN!

"Ay oh...", bulong ng lalaking pa-girl na alalay ng pandak sa unahan, "Naging aktibista agad-agad ang mga morons na ito teh oh!"

"Hep!!!",pagpapahinto ng pandak na girl at haharap sa mga nagpoprotesta,"Palibhasa mga inutil iyang mga utak ninyo! Akala niyo ba eh pagkain talaga ang ino-order ko?"

Lalabas ang serbidora at ibibigay ang tatlong piraso ng kendi na binili ng pandak. Agad namang magbabayad ang pandak ng kaukulang presyo at magpapasalamat sa nag-serve.

"Nakakain na kaya kami ng lunch sa labas!", mas kalmadong banggit ng pandak

"Ya Rayt!", pag-sang-ayon ng alalay sa tabi

"Parang kendi lang eh... ayaw pa akong pagbigyan!", banggit ng pandak at titingin sa lahat ng nakapila, "Akala naman mga may katalinuhan!!! Ha ha ha! Ha ha ha! Blurrp! Nabilaukan na tuloy ako, Pahinging tubig!"



May isang janitor na naglilinis sa tabi ng trashbin ang nakarinig sa sigaw ng estudyante at agad naman itong kukuha ng isang basong tubig mula sa kalapit na water dispenser at ibibigay sa alalay ng pandak. Agad na iinumin ng alalay ang baso upang ikumpirma na malinis nga ito tsaka ipaiinom ito sa pandak at mahihimasmasan

"Hah... Success!", banggit ng pandak at itatabi ang ginamit na baso. Titingin siya sa alalay at lilisanin na rin ang kantina, "Ferdz! Taralets at baka mahawa pa tayo sa mga kabobohan ng mga taong nandito! Che!"



Mag-iiwan ng inis sa mga mukha ng ibang katauhan sa loob ng kantina ang pandak na sumingit sa pila. Patuloy naman ang pagseserb ng pagkain sa mga nakapila at ang ilan na nakatapos na ring kumain ay kaniya-kaniyang bitbit ng mga gamit upang lumisan sa kantina at pumunta sa kani-kanilang pahingahan pa. Namuo pa rin naman ang kaingayan sa ibang mga nagsisipagkuwentuhan at ang init ay hindi rin alintana.

"Sino ba yung babae na yun? At bakit ganun siya umasta sa mga kapwa niya estudyante rito?",usisa ng kanina pang nanunuod sa eksena sa loob ng kantina na si Zuset. Katabi nito sa kainan ang dalawa pang bagong kaibigan na naka-pony tail ang hair at isang may brace sa ngipin.

"Ah... yun ba? Si Francoise yung maliit na yun!", sagot ng naka-pony at patuloy nakakain ng mga inorder sa lamesa, "Running for valedictorian sa buong batch natin and consistent top one ng Special Science Class"

EksadZWhere stories live. Discover now