EKSADZ 5

380 0 0
                                    

Nagsisimula nang humampas ang malalakas at malalamig na hangin dulot ng mga natutunaw na yelo sa ibabaw na bahagi ng globo.

Marami sa mga estudyante ng Don Narciso ang nagsipagsuotan ng mga panglamig na damit sa pagpasok kabilang na ang iba't ibang diyaket na pang-fashion. Ang ilang exchange student na galing naman ng Korea at Russia ay hindi na nagtaka sa mas malamig na panahon bagkos ay nanatili pa ring relaks sa kanilang pakiramdam na nagaganap na mas matindi pa sa kanilang lugar. Habang abala sa pag-iimpake ng ilang mga kagamitan ang assistant principal ng mataas na paaralan ay bigla namang may sasambulat sa kaniyang harapan na isang mukhang matalino na naka-unipormeng babaeng tinedyer at may hawak na envelope.

"Ma'am...", bati ng babaeng tinedyer pagkakita sa assistant principal sa may labasan ng Administration Building katabi ng isang owner car, "Magandang Umaga po!"

"Oh... iha, ano'ng maipaglilingkod ko?", tanong ng assistant principal sa tinedyer

"Maaari niyo po bang payagan ako na makapag-transfer po rito?", sambit ng tinedyer at ipapabasa sa assistant ang sulat na dala mula sa kaniyang brown envelope

Pagkatapos basahin saglit ng assistant ang dalang papel ng tinedyer ay agad siyang may maaalala.

"Aha!", bulalas ng assistant principal, "Ikaw pala ang itinawag sa akin ng City Social Welfare Officer na ilipat nga raw rito sa Don Narciso High School!"

Iiwan muna ng assistant principal ang paghahakot ng ilang kagamitan mula sa kaniyang opisina at kukunin ang papel na ipinabasa sa kaniya upang sabayan ang tinedyer patungo sa kaniyang lamesa sa loob ng Administration Building.

"Mabuti at naabutan mo ako at paano mo naman ako nakilala sa labas?", tanong ng assistant sa babaeng tinedyer habang naglalakad

"Hmmm... galing po muna ako sa Guidance Counselor's Office and sabi po kasi nila ay nagpapagaling po sa ospital ang pinaka-principal dito kaya't itinuro po ako sa inyo at tiyempong lumabas po kayo ng Admin kaya yun!"

"Ah... okay!", sabing assistant at pagkarating sa kaniyang pinaka-lamesa ay kukuha ng isang mamahaling ballpen sa tabi at pipirmahan ang sulat na dala.Ibibigay nito ang sulat sa tinedyer at magiliw na magsasalita, "Heto at dumiretso ka sa opisina ng Registration para ma-instruct ka kung saang klase ka nila ilalagay ah... Welcome sa DNHS!"

"Sa... Salamat po Ma'am!", natutuwang sambit ng tinedyer pagkabalik sa kaniya ng papel at mapapayakap ito sa assistant principal na rin.

"You can start immediately as long as you could...", sabi ng assistant principal at kukuha ng ilan pang gamit na hahakutin papunta sa sasakyan

"Sige po Ma'am... Maraming salamat po ulit!", dagdag ng babaeng tinedyer at mabilis na lalabas ng gusali upang tunguhin ang 'Registration'. Mabilis ding aaprubahan ng taga-Registration ang kaniyang pirmadong papel hanggang papuntahin siya sa Head ng 'Guidance Counselor's Office' upang handugan ng ilan pang paalala. Aayusin na rin agad-agad ang kaniyang School I.D. at Library I.D. at bebentahan na rin ng tig-limampisong maruya bilang pantawid gutom niya sa oras ng Recess. Pagkakuha ng kaniyang I.D ay didiretso na siya sa ibinigay na classroom at doon magpapakilala.

"Magandang Umaga po Ma'am!", bati ng babaeng tinedyer na nanggaling sa Administration Building

"Oh! Maraming salamat sa pang-iistorbo sa klase ko!", mataray na banggit ng matandang babaeng guro na singkit at nagsusulat sa pisara ng ilang paksang aralin

"Dito po ako pinapunta ng Guidance Counselor po...", mabait na sambit ng babaeng tinedyer at ipapabasa sa guro ang sulat na pinirmahan ng assistant principal

"Eto talagang si Marce...", banggit ng guro pagkatapos mabasa ang papel,"Patatalsikin na nga lang sa eskuwelahang ito nagdagdag pa ng sakit ng ulo sa mga nagtuturo rito! Tapos napakasuwerte ko naman at sa akin ka pa nila ibinigay!"

EksadZWhere stories live. Discover now