EKSADZ 8

178 0 0
                                    

Umagang Kay Ganda.............



Nagbukas na rin ang 'One Morning Cafe' para sa mga kababangon lamang sa pagliliwanag. Sapul sa Homepage ang umu-Unang Hirit sa umaga na ilang mga estudyanteng magiliw na nagsisipagpasukan lalo pa ang mga kumikilala sa trabaho ng mga guwardiya ng paaralan.

"Good Morning Kuya!", bati ng estudyanteng babaeng nakauniporme sa matikas at binata pang kaisa-isang nagbabantay sa pasukan na gate ng Don Narciso High School

"Good Morning!", sambit ng guwardiyang nakakita at papansinin ang kabuuan ng estudyante, "Ayos... Aral ng mabuti ah!"

"Salamat po at...", dagdag ng estudyanteng bumati sa guwardiya at mapapansin ang parang makatotohanang tattoo sa gilid ng leeg ng guwardiya pagkalingon nito,"... astig iyang tattoo niyo ah! Parang totoong gagamba!"

"Huh? Anong gagamba?!", tanong ng may pagdududa ng guwardiya

Pangusong ituturo ng estudyanteng babaeng nakauniporme ang nakita sa guwardiya hanggang sundan ito ng tingin ng guwardiya at magugulat sa bigla nitong paggalaw.




"Gagamba?!", muling sambit ng guwardiya, "Gag... gagamba!!! Ahhhhh!"



Mapapatili ng super-duper ang guwardiyang binata at mapapatalon na lamang sa sobrang takot sa dumikit na gagamba malapit sa kaniyang pagmumukha. Makailang alog na rin ang gagawin nito sa katawan upang umalis lamang sa katawan niya ang may kalakihang gagamba ngunit paikut-ikot lamang ito na dumidikit sa labas ng kaniyang damit hanggang sa maawa na ang nakapansing estudyante at lalapitan na sana ito upang matulungan nang biglang may malakas na hangin ang dumaan sa kanilang harapan na magiging dahilan ng kanilang pagkahawi at pagkakahiwalay. Isang naka-headset na maputing estudyanteng binabae at matangkad ang lalantad sa kanila at iihipan ang nakitang tarantula (ang malaking gagambang animo'y tattoo sa leeg ng guwardiya) sa tuktok ng ulo ng guwardiya at mapupunta sa lupa ang tarantula.

Ang binatang guwardiya ay nababalisa pa rin sa sulok habang tahimik na manunuod sa gilid ng katabing classroom ang estudyanteng bumati sa guwardiya. Matalas na ang tinginan ng naka-headset na maputing estudyante at ng katapat natarantulang nakatayong bumagsak sa lupa. Lalo pang palalakasin ng naka-headset na maputing estudyante ang volume ng kaniyang pinatutugtog at makikipagsagupa pa sa tarantula sa naririnig nabackground music na: Toxic by Britney Spears...




BUUUGHS! Sa paghabol ng naka-headset na maputing estudyante sa tarantula ay gagamitan niya ito ng mga sexy moves ala-Britney upang mahuli at hindi na makapambiktima pa. Ngunit mabilis din ang tarantula at mahusay sa patalun-talon at pa-iba-iba ng istilo. Lalo pang maiimbiyerna ang naka-headset na maputing estudyante nang mag-bleh! sa kaniya ang tarantula at didikit pa sa kaniya ang tarantula hanggang makarating ito sa kanang balikat ng naka-headset. Hindi pa rin nagpatalo ang naka-headset at agad magshe-shake ang body nito at mag-gymnast execution upang umalis ang gagamba sa kaniyang katawan at tuluyang mahilo at maibalik sa lupang daanan. Sa paglapit pa ng naka-headset sa tarantula ay dudura ang tarantula ng puting lason.




Walang anu-ano'y ibabagsak ng naka-headset na maputing estudyante ang isang dalang kahon na animo'y kulungan at tuluyang makukulong at makukuha ang tarantula na ang loob ay mako-contain na rin ng sarili nitong lason.

EksadZWhere stories live. Discover now