EKSADZ 3

606 0 0
                                    

Ang buwan ay nasa kaniyang ika-first quarter at ang kalangitan ay tinatakpan ng kalat-kalat na kaulapan. May panaka-naka ring pagbagsak ng ulan na hindi naman nagbabadya ng pagdating ng malakas na bagyo.

Sa tuluyang pagdilim ay siya namang pagdating sa hintayan ng traysikel ng lalaking may shoulder bag na pula na nakaunipormeng pang-hayskul at bitbit ang isang malapad na palotsina at ilang wires na iba-ba ang kulay na nabili pa sa isang Auto Supply Shop. Nang mapuno ang traysikel ay papasok ito sa isang hindi kalakihang subdibisyon at papara ang lalaki sa tapat ng isang bahay. Mapapansin niyang wala pang ilaw sa buong kabahayan kaya't pagkabukas niya ng naka-lock na gate at pagkapasok sa loob ng bahay ay kaniya agad na bubuksan ang mga ilaw at ilalapag ang mga bitbit sa isang lamesita sa salas. Makakaramdam ang lalaki ng pagkahapo kaya't kukuha siya ng malamig na tubig mula sa pitsel sa loob ng kanilang halos katulad ng 'Meneghini Arredamenti Refrigerator' na napanalunan ng ilaw ng tahanan sa isang raffle. Iinom ng tubig ang lalaki at mahihimasmasan. Didiretso naman siya sa kaniyang kuwartong tulugan upang makapagpalit ng pang-itaas na damit at tuluyan na ring maipahinga ang shoulders sa pagbibitbit ng kaniyang pulang bag. May bibliya sa taas ng kabinet. Nasa ilalim din ng kama ang isang barbel na hindi naman masyadong may kabigatan. Hindi pa man nakakapaghubad ng pantalon ay biglang mamamatay ang lahat ng ilaw sa kanilang bahay hanggang sa kaunting liwanag na lamang mula sa buwan ang tatagos sa bintana ng kaniyang kuwarto at mapapansin sa ibang kapitbahay na mayroon namang ilaw. Kukutuban siya hanggang sa dahan-dahang pupunta sa kanilang salas.

"Naku... badtrip! Ano kayang nangyari dito?", banggit ng lalaki at pupuntahan ang kinalalagyan ng kanilang fuse box. Hindi pa man nakakalapit sa fusebox ay may mauulinigan siyang ingay ng paggalaw ng upuan sa salas. Lalo pa siyang kakabahan at mapapaisip na kunin ang cellphone sa bulsa upang buksan ang flashlight.

"May... may tao ba riyan???", tanong ng lalaki habang papalapit sa lugar kung saan niya narinig ang ingay. Ilang kaluskos pa ang kaniyang maririnig hanggang sa kaniyang makita ang isang dilaw na sapatos na nakalabas sa likuran ng upuan, "Huh?!"

Lalo pang pagpapawisan ang nanginginig na lalaki at habang lumalapit sa nakita ay nakahanda ang kaniyang isa pang kamay para sa self defense. Walang anu-ano'y biglang lalantad sa harapan ng lalaki ang mukha ng isang naka-make-up na clown na may kulot na wig at biglang magbubukas na rin ang ilaw nila.

"Huwah! You wanna play with me?", nakakatakot na sambit ng clown pagkakita sa lalaki na muntikang masuntok ng lalaki mabuti't napigilan ng inang nagbukas ng ilaw

"Ha ha ha... Anak! Chill lang... Ang ate Kimsu mo iyan!", wika ng inang nakaunipormeng pang-titser sa nabiglang anak. May pagka-chinita si momshie. Mapapatingin din sa kaniya ang lalaki hanggang tanggalin ng clown ang kaniyang wig at lalantad ang mas flyaway na buhok ng may suot.

"Ano... Kimpoy? Natakot ka ba?!!", sambit ng babae at mauupo sa may salas upang samahan ang kapatid na bunso at ina. Gitnang mauupo ang lalaki.

"Anak naman ng...",nahimasmasang banggit ng lalaki at madi-disgust, "Tinakot ninyo ako ah! Lakas ng trip niyong mag-ina ngayon ah!"

"Haha! Sorry na po!",sambit ng babae at kukurutin ang ilong ng katabing kapatid, "Eto naman... pina-praktis ko lang yung magiging karakter ko sa stage play namin sa university bukas! Enjoy ba? Convincing na ba? Ha?"

Ilalantad pa lalo ng babae ang kaniyang nakakatakot na itsura na clown sa kapatid at huhubarin ang dilaw na mga sapatos nito na parte ng kaniyang magiging kostyum.

"Hindi!", nababanas na sagot ng lalaki at itatago ang cellphone na ginamit sa kaniyang bulsa, "Sa totoo lang... nakakabuwiset! Eh halos mapaihi na ako kanina sa pananakot ninyo sa akin eh!"

"Anak... masanay ka na sa ate mo!", sabi ng ina sa katabing anak na lalaki at mapapapunas sa pawisang mukha ng bunso gamit ang mga palad nito, "Naka-ilang best actress award na iyan sa ilang stage plays nila sa 'Dramatica' kaya ngayon susubukan naman daw niya ang maging horror queen sa takilya!"

EksadZWhere stories live. Discover now