EKSADZ 4

385 0 0
                                    

Unang Martes sa taon na pag-aaral ng mga estudyante sa Don Narciso High School.



Maagang nagsisipaglinis ang mga dyanitor ng paaralan sa mga nagsisipaglaglagang tuyong dahon mula sa mayayabong na puno kabilang na ang aratilis na nasa gitna ng pathwalk. Hindi pa rin naisasaayos ang ilang bubungang pansilong sa pathwalk na nabutas ng nakaraang mga bagyo dahil sa ang ibang donasyon dito na ibinigay ng iba't ibang sektor ng lipunan ay pinaghihinalaang kinurakot nga ng assistant ng principal. Sa patuloy na paglalakad dito ng isang nakaunipormeng tinedyer ay mapapadpad siya sa 'Orchidarium' at hahanapin ang kaklaseng babae na may klip na paru-paro sa kaliwang bahagi ng buhok na kulot.

"Hey Qwai! Nandito ka lang pala ah!", pasigaw na banggit ng tinedyer na nakapalda sa babaeng nagdo-drawing sa bond paper sa bench sa loob ng 'Orchidarium'

"Aba siyempre! Ultimate tambayan natin ito girl 'di ba?", sabi ng babaeng may klip sa buhok sa gumulat sa kaniya

"Ultimate tambayan daw oh!", mas malalim na boses ng tinedyer at mauupo sa tabi upang pansinin ang paligid, "Ang sabihin mo... Ultimate tomboyan natin! Tsk! Eh dito kaya yung first kiss namin ni Juliviev pagkatapos niya akong sagutin sa panliligaw ko sa kaniya"

"Naku... Alex! Si Juliviev na naman ang naisip mo!", sabi ni Qwai at hihinto saglit sa ginagawa, "Bakit ba? Siguro mahal mo pa rin siya nuh!"

Mahinang pagbatok ang isasakatuparan ni Alex sa kaibigan at magsasalita, "Gage! Hindi na nga eh! I must move on! I must make myself better... I must! I must!"

"Ows... sana nga girl!", sabi ni Qwai at tatapusin ang ginagawa. Mapapaisip din siya at kukunin ang smartphone sa bulsa upang may ipakita sa kaklase,"Speaking of moving on... I saw my cousin's last post on Pinterest and he wanted to come back home soon! Eto oh..."

"Wow... Ang guwapo naman niya...", mas babaeng boses ni Alex pagkakita sa smartphone ng kaklase, "Kaso baka..."

"He is single! And he saw your pictures na rin!", sabi ni Qwai

"Pinakita mo Qwai?! The F!"

"Siyempre nuh! Kasi nga ipu-push na natin girl na magkaroon ka na ng first ever boyfriend! First monthsary... first hmmmf! First..."

Papahintuin ni Alex ang pagsasalita ng kaklase sa pamamagitan ng pagtakip ng palad sa bibig nito.

"Hmm! Tama na... alam ko na iyan!", manunumbalik na malalim na boses ni Alex, "Eh kailan naman uuwi iyan? Tsaka sigurado ka bang gusto niya akong makilala?"

"Alfie's flight will be on next month!", paliwanag ni Qwai, "Tatapusin niya lang daw yung natitirang units niya sa Wyoming High School then he will go and visit the Philippines soon! Tsaka siyempre nuh... gustung-gusto kaniyang makilala after all the stories na kinuwento ko sa kaniya"

"The F!",mapapatayong banggit ni Alex sa kasama, "Siguro kinuwento mo na rin sa kaniya yung tungkol sa mga past relationships ko nuh?"

"Syempre naman..Oo",mabilis na sabi ni Qwai at liligpitin ang ilang dalang gamit

Akma na sanang babanatan ni Alex sa mukhang may malaking pimple ni Qwai nang bigla naman itong umalma.

"Uy!!! Nagbibiro lang...", sabat ni Qwai, "Siyempre ikaw na ang bahala magkuwento dun kapag nagkita na kayo!"

"Ah... buti alam mo...", mas malambing na wika ni Alex at ipa-pamper ng marahan ang magkabilang pisngi ng kaibigan

"Tsaka... no big deal na rin naman yun kay Alfie eh kapag nalaman niya! Even him eh nakipag-relasiyon na rin sa same sex..."

"You mean...",nag-iisip na wika ni Alex hanggang tuluyang lisanin ni Qwai ang 'Orchidarium' at sasabayang maglakad ni Alex sa corridor.







EksadZWhere stories live. Discover now