Former

307K 5.6K 625
                                    

IKALIMANG KABANATA

"SANDRO!!" Mom was shocked ng biglaan kong binagsak ang kutsara sa lamesa while having dinner. Even Dad looked at me wide eyed.

"Okay ka lang Kuya?" Ali asked me. I just looked at her and sighed. Tatlong araw na mula ng tumakas si Phoebe at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saang lupalop ba siya napunta. Wala pa rin kaming lead sa kung nasaan siya and it frustrates me even more.

Nakakainis na wala man lang magawa ang buong security na pinapagalaw ko para makita kahit man lang dulo ng buhok ni Phoebe. Ano pang silbi ng pera ko kung hindi ko naman makasama ang pinakamahalagang tao para sa akin? Ilang gabi na akong hindi makatulog, isipin ko pa lang na baka kung ano na ang nangyari kay Phoebe ay kinakain na ako ng takot at pag-aalala.

If only she is here at my side, just like the times when we were in Germany..

"Totoo ba ito?" Xavier blurted habang nagbabasa ng dyaryo. Alexa snatched it from our brother at tinitigan ito.

"Oh my gosh..Sandz.." inabot ni Alexa sa akin ang dyaryo. Tumayo si Dad at tiningnan ang headline.

"Natalia Madrigal is not a Madrigal. Anong ibig sabihin niyan?" hindi ko pinansin si Dad. I read the whole article

"No.." nalukot ang papel sa higpit ng pagkakahawak ko. Damn Natalia.

According to the newspaper I have read, nalaman ng mga Madrigal that Natalia is the daughter of Amanda Madrigal sa isang empleyado ng kumpanya at hindi naman pala tunay na anak ni Roberto Madrigal. Amanda wanted the fortune of the Madrigals kung kaya't she made everyone believe na si Natalia ang kaisa-isang tagapagmana ng lahat ng yaman ng pamilya nila kung kaya't nagpabuntis siya at kinuntsaba ang empleyado na iyon to father her child para makuha ang pera ng mga ito.

I gritted my teeth sa nalaman. Natalia is a fake Madrigal pero siya ang nagpakasasa sa yaman ng pamilya nila habang ang tunay na si Phoebe ang naghirap at nagtiis na maging mag-isa sa Germany. Kinuha ni Natalia lahat ng dapat ay kay Phoebe. Hindi ko siya mapapatawad.

"That's a problem.." Alexa said while chewing piece of her mudpie. Tiningnan ko siya at ngumiti siya ng nakakaloko. Tinuro niya ako gamit ang tinidor niya.

"Mas mahihirapan ka ngayong hanapin si Phoebe."

"What?" tumawa lang ito bago umiling. Pinunasan niya ang bibig niya bago tumayo.

"Alexa! What do you mean by that--"

"What I mean is, sayang ang pagiging Magna mo straight from Stanford dahil ang tanga mo lang para pakawalan si Phoebe. Ngayong ayaw na niya sayo, sinusundan sundan mo naman siya. Pwede ba, mag isip ka nga! Sa tingin mo pagkatapos mo siyang itapon abbalikan ka pa niya? For Pete's sake Alessandro, give the poor girl a break from you and your idiocracy!" sigaw niya. I furrowed my brows dahil ngayon lang nagalit ng ganito sa akin ang kambal. At lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

"Wala kang alam Alexa. Shut it up--"

"I know everything Sandro. I know things that you can't even imagine." She grinned bago tuluyan kaming iniwan sa kusina. I sighed. I felt my Mom's hand on mine and she smiled.

"Do you love her?" malamyos nitong sinabi. All of my frustrations drained because of my Mom. Tumango ako bilang sagot sa tanong nito. Dad cleared his throat.

"Nasaktan ko rin ang Mama mo noon and I know you are very much aware of that son. But, she gave me a second chance and that is the best gift she had ever given me aside from the four of you. I know how you feel Sandro. But your sister is right. You have to give your girl time to think. Hindi ko man alam kung ano ang problema ninyo, alam ko kung anong pakiramdam mo. Pero hindi natin pwedeng madaliin ang lahat. Hindi ibig sabihin na may pera tayo ay pwede na nating manipulahin ang mga tao sa paligid natin. We have to wait. We have to learn how to crawl before we could fly." Mahaba nitong litanya habang binabasa ang dyaryo.

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Where stories live. Discover now